Sarah, gusto nang mag-asawa

    296
    0
    SHARE
    SA isang panayam sa Pop Princess na si Sarah Geronimo, inamin nito na gusto niyang mag-asawa when she turns 30 or 31. Magtu-twenty-seven na siya sa darating na July 25 kaya may tatlo o apat na taon pa siyang magi-enjoy sa kanyang pagiging single.

    Alam ng lahat na si Matteo Guidicelli ang nobyo ni Sarah but we don’t know what the future holds for them.

    Pangarap ni Matteo na si Sarah na ang babaeng kanyang ihaharap sa altar balang araw dahil nasa dalaga na ang mga katangian ng babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

    Ang isa pang ikinatutuwa ni Matteo sa kanyang nobya ay ang pagiging open nito ngayon ng kanyang saloobin unlike before. Ibig lang sabihin na nag-mature na talaga si Sarah as a person at sa kanyang mga pananaw sa buhay.

    Since malapit na ang kaarawan ni Sarah, tiyak na may sorpresa para sa kanya si Matteo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here