Sarah Geronimo umamin nang love niya si Mark Bautista

    507
    0
    SHARE
    Kailan lang inamin ni Sarah ‘yung tungkol sa pagbibigay pag-asa niya kay Mark Bautista. “In the long run, baka maging kami rin, kasi, nirerespeto niya ako. Consistent po talaga siya at inaakala kong nakalaan naman siyang maghintay,” sabi pa ni sarah Geronino.

    Kaya naman pinutakti ng presss si Mark at ang tungkol pa rin sa pagkaka-link niya kay Sarah Geronimo ang inurirat ng entertainment press kay Mark Bautista sa presscon ng latest endorsement niya.    

    Ayon kay Mark, na-appreciate raw niya ang magagandang sinabi ni Sarah tungkol sa kanya noong nakaraang presscon nito.

    Nabanggit kasi ng pop star na mataas ang respeto niya para sa singer dahil nirerespeto rin naman daw nito ang desisyon niya.

    “Malaking bagay sa akin ’yung mga sinabi niya nu’ng presscon niya. Sobrang na-appreciate ko talaga ’yon and ayoko nang magsalita pa more than that.

    “Hindi naman niya kailangang magsalita nang ganu’n, pero sinabi niya, so, na-appreciate ko talaga siya,” sabi ni Mark.

    Matatandaang dating nanligaw ang singer kay Sarah, pero dahil hindi pa nga ready ang dalaga na makipag-boyfriend, nirespeto ’yon ni Mark.

    Sa ngayon daw, mas naging close pa sila compared sa dati nilang friendship at aniya, kung talagang choice ni Sarah na maging magkaibigan na lang sila, wala naman  siyang magagawa kundi tanggapin ito.

    Makakapaghintay pa ba siya kay Sarah?

    Napangiti si Mark bago sumagot.

    “Siguro, time lang ang makakapagsabi niyan. Basta ako, nandito lang ako para sa kanya. Kaya siguro nga sinasabi niya na sobra ang respect niya (sa akin), kasi nga, naiintindihan ko rin siya.”

    Nang matanong si Mark kung aside from Sarah ay sino pa ba ang crushes niya sa showbiz at say niya, “Ayoko nang magsalita, kasi baka naman kung ano ang sabihin ni Sarah.”

    ’Yun na!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here