Meron pa ring ilang taong nagbulong sa aming yumabang na rin daw ang buong pamilya ni Toni at talaga namang feeling nila, superstar na Toni na kesyo ganyan at ganito.
Ito raw ang dahilan kung bakit very vocal mismong si Sarah in saying na ayaw nitong makasama si Toni sa isang proyekto ng nakatakdang gawin nila para sa Star Cinema. May niluluto kasing project ang Star Cinema na magtatampok sa kanilang dalawa na pagsasamahan nila nina Rayver Cruz at Vhong Navarro.
May nagsasabing malaki na raw ang ipinagbago ng pag-uugali at pakikiharap sa tao nitong si Toni, feeling superstar na raw ito kung umasta! Maging ang Viva Films, hindi sang-ayon sa pagsasama ng dalawa. Sikat na nga ba talaga si Toni para pag-ukulan ng pansin like Sarah?
Nakarating kay Toni ang tsikang ito, pero hindi agad siya naniniwala hangga’t hindi si Sarah mismo ang magkumpirma ng nasabing balita. Para sa Pop Princess, dream niyang makasama ang TV host/actress. Kung matutuloy ang project, magkapatid ang papel na kanilang gagampanan. Kaso mo nga, hindi naman si Sarah ang nagdedesisyon kundi ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tanong, papayag ba naman si Toni na mauna sa billing ang pangalan ni Sarah kaysa sa kanya?