Sarah Geronimo ‘di kinaya ni Ai Ai Delas Alas

    420
    0
    SHARE
    Kahit nag-number one sa box-office ang Tanging Ina N’yong Lahat na bida si Ai Ai Delas Alas sa takilya nitong nakaraang Metro Manila Film Festival, hindi pa rin nito nagiba ang P180 million na record ng pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na A Very Special love. Naka P171 million lang ang kay Ai Ai.

    Dahil dito, nakasisiguro na si Sarah Geronimo na siya ang tatanghaling box-office queen ng sino mang mamahagi ng naturang award this year.

    Bukod kay Ai Ai, inunsiyami rin ni Sarah ang box-office takes ng ibang pang Star Cinema stars na sina KC Concepcion, Sharon Cuneta, Toni Gonzaga at Anne Curtis. Kasali kasi silang lahat sa top 5 sa box-office ngayong taong ito.

    Sa kasalukuyan, on the make na ‘yung A Very Special Love sequel na You Changed My Life. Si Cathy Garcia Molina pa rin ang direktor ng pangalawang pelikula nina Sarah at John Lloyd.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here