BLOOMING na na blooming naman si Sarah Geronimo nang interbyuhin namin para sa presscon ng “The Voice Kids” na ginanap sa Good Times KTV sa The Fort Strip sa Bonifacio Global City at mapapanood na simula May 24.
Hindi rin siya nakaiwas tanungin kung isasali din niya ang magiging supling nila ni Matteo Gudicelli sa nasabing contest. At mukhang mas open na siyang sumagot about Matteo.
“Oo naman,” mabilis niyang sagot. “Sana nga, magkatotoo na. Maybe this time. . .” pambibitin niya. Kilig na kilig si Sarah sa title pa lamang ng pelikulang pagsasamahan nila nina Coco Martin at Ruffa Gutierrez para sa Star Cinema Napahagikhik uli si Sarah nang ibulong namin na magiging winner agad ang supling dahil pareho magagaling na singers ang kanyang Mommy at Daddy.
“Oo nga ano? Singer din siya (Matteo),” naalala niya. “Nakikita ko talaga sa mga batang sumasalang ang sarili ko,“ patuloy ng blooming na Popstar. “Nag-umpisa ako when I was 8 years old lang. Sumasalang na ako sa mga contest.
Noon pa, inihanda na ako ng parents ko kung paano tanggapin ang pagkatalo, kung saka-sakali. Buti na lang at suwerte sila bilang mentors ko. Ang tagal kong nakakahinga pag isisigaw na ang winner.
“Feeling ko, mas mahirap ang mga contest ngayon, kaya, I’m so amazed talaga sa mga batang ito, lalo na kapag kinakausap namin at kino-coach. “Natutuwa din ako dahil may psychologist silang kinuha para sumalubong sa mga bata after their performances.
Kahit nanalo at lalo na kapag natatalo. Ingat na ingat sila sa feelings ng mga ito. Ayaw nilang ma-trauma ang mga bata. Napaka-importante kasi ang pakikipag-usap after a performance. Mga bata ito, at ibang-iba sa mga adult contestants na mas prepared na siyempre, sa pagtanggap ng disappointments.