Ayaw din muna niyang pag-usapan ang BF niyang si Matteo Guidicelli sa launching ng kanyang bagong prduktong iniendorse ngayon, ang Michaela bags, shoes, umbrella, and accessories.
“Pag nagsalita ako, baka si Matteo ang maibenta ko at hindi ang mga produktong ini-endorse ko, “biro niya.
Dahil hindi na rin bumabata pa si Sarah sa edad niyang 27, nag-iisip na rin siyang magkaroon ng mga business na pagkakaabalahan sa tamang panahon.
Ipinaubaya ni Sarah kay Ms. Julie Yeo (general manager) ang paglalahad kung paano nila nasimulan ang negosyong ito na may 103 department stores na sa loob at labas ng Metro Manila.
“Sa Binondo, Manila, goldmine daw nila inumpisahan ang Michaela. Binuksan nila ang una nilang boutique sa Juan Luna,” patuloy ni Ms. Julie Yeo.
Biglang sumingit si Sarah. “Sa kalsada sila unang nagbenta ng mga bag na dinesign para sa mga Pinoy. Ang lugar na iyon ang nagbukas ng pinto para mag-expand ang mga operation nila sa Visayas at Mindanao.
“Grabe, sampung taon na ang nakalipas at patuloy nilang pinaghuhusayan ang produkto nila. Mula sa bags, nag-expand na sila sa shoes at mayroon nang katernong shoes, bags, umbrellas, at iba pa.”
Hindi lamang ang Michaela ang gustong tulungan ni Sarah kundi ang iba pang local products natin.
Tinanong din si Sarah kung ilang endorsements na ang nagawa niya.
“Alam ko po yung Manulife, dahil doon kami nag-invest. Ipinauubaya ko na rin kay Mommy Divine ko ang iba pang endorsements ko, dahil, kabisadung-kabisado na niya kung ano ang nababagay sa akin.
“I’m still the same. A good daughter forever,” patuloy niya sabay halakhak.