KAUGNAY riyan ng mahigpit na nitong
ipinag-utos ng isang ‘City Mayor,’
na gawing ‘house-to-house’ ang isinusulong
n’yan na pagbakuna sa lahat, ‘in random’
‘Abuse of power and authority’ itong
hakbang na naisip ng butihing mayor
na inuban na sa tangan niyang posisyon
di pa alam n’yan na ito’y ‘grave coercion?’
Maliban sa labag yan sa ‘constitution,’
sa ‘human rights’ natin at sa ating ‘freedom
of choice’ ang ganitong pagkilos ni Mayor,
na mabakunahan pati itong ayaw?
Kung saan para lang ang lahat mahimok
n’yan na makumbinseng sila’y magpaturok,
kasa-kasama siya, na Ama ng Lungsod
sa napabalitang mga nag-‘house-to-house?’
At para lang siya makasunod kina
Duque at Domingo sa instruksyon nila
na mabakunahan ang lahat-lahat na,
kahit mali, sundin n’yan ng pikit-mata?
Ba’t di n’yan gayahin ang tulad ni Gob Gwen
ng Cebu – kinontra nitong buong giting
na binale wala ang utos ng ating
mga namumuno sa D.O.H. natin?
Kung saan pati na rin si Presidente
di nakaporma sa kay Gwen, na sinabi
na mas alam n’yan ang kalagayan pati
ng nasasakupan, (kaysa ni Duterte?)
Alam n’yo ba na kung suriing mataman
natin itong tila di napagtuunan
ng pansin ng iba nating kababayan,
na mas kaunti ang sa Covid natigok d’yan?
Kaysa nadedbol nang dahil sa bakuna,
na di pa ‘tested’ sa hayop kung mabisa,
yan sa ‘human being’ ay ginamit na nga
nitong sa D.O.H. ay namamahala?
Walang garantya na kung nabakunahan
na tayo ay hindi na puedeng mahawaan
o makahawa kung tayo ay tamaan,
kaya para ano’t magpaturok pa n’yan?
Itinatago lang ng mga tikbalang
sa FDA at sa D.O.H. may tangan
ng nomiro nitong mga natigok d’yan,
na mas marami ngang sa ‘vaccine’ namatay?!
Eh, bakit nga hindi Covid ang sangkalan
ng D.O.H., partikular ni Kiko r’yan,
kahit atake sa puso ang dahilan
ng ikina-dedbol ni Pedro o ni Juan,
Ya’y palalabasing sa lintik na ‘virus’
ng ‘DELTA variant’ at Covid yan natigok,
nang sa gayon kahit singkwenta sentimos
itong pamilya n’yan absuwelto sa gastos?
Aywan lang kung tunay ngang may ‘tinatago
ang ilang VIP na kagaya nga po
nina Eric ng FDA at Sec Kiko
ng D.O.H. kasi ‘di pa singaw baho’.
At dahil D.O.H. ang nakataya riyan,
ang lahat ilagay sa dapat kalagyan,
nang sa gayon pati itong LGU riyan
ay di masangkot sa grabeng kapalpakan!