Home Headlines Santacruzan at Flores de Mayo sa Samal

Santacruzan at Flores de Mayo sa Samal

1201
0
SHARE

SAMAL, Bataan — Ang buwan ng Mayo ay itinuturing na panahon ng Santacruzan at buwan ng mga bulaklak at ito’y unti-unting nadarama na sa lalawigang ito .

Hindi nagpahuli ang Iglesia Filipina Independiente o Aglipayan Church sa bayan ng Samal dahil nitong hapon ng  unang Linggo ng Mayo ay ginanap ang kanilang Santacruzan at Flores de Mayo.

Nagpabonggahan sa kanilang kasuotan ang mga kalahok na mga sagala at nagsilbing Reyna Elena at Rosa Mystica.

Parehong hitik sa mga bulaklak ang dalawang karo na kinalululanan ng Banal na Krus at ng Imahen ng Birheng Maria.

Bahagyang sumikip ang daloy ng mga sasakyan sa MacArthur Highway sa pagdaan ng Santacruzan sa ilang bahagi ng Samal na kapansin-pansin ang magandang bagong municipal hall.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here