Home Headlines Santa Rosa Bridge sa NE, sarado sa heavy vehicles

Santa Rosa Bridge sa NE, sarado sa heavy vehicles

1260
0
SHARE
Malalaking truck na dumaraan sa Santa Rosa Bridge. Armand Galang

SANTA ROSA, Nueva Ecija – Ipinagbabawal ngayon ang pagdaan ng malalaking
sasakyan sa Santa Rosa Bridge sa bayang ito matapos itong magkaroon ng butas
dahil di-umano sa mga overweight na truck.

Ayon kay Engr. Elpidio Trinidad, hepe ng Nueva Ecija 2nd Engineering District, ang
mga heavy vehicles na galing sa Zaragoza-Tarlac Road patungong Cabanatuan at
Gapan City ay kinakailang gamitin ang Cabanatuan-Carmen Road.

"Talagang butas na. Nilagyan na lang muna ng steel plate," ani Trinidad, sa
pagsasabi na mag-request na rin sila ng emergency funding para sa pagsasaayos
ng nasirang bahagi.

Ang desisyon ng DPWH na pansamantalang ipagbawal ang pagdaan ng malalaking
sasakyan ay sinimulan July 20, matapos ihayag nitong hapon ng Martes, July 19.
Nauna rito, muling sumulat si Mayor Josefino Angeles kay Trinidad nitong Lunes,
July 18, kung saan mahigpit na hiniling ang naturamg hakbang.

"The Municipal Government of Santa Rosa is strongly urging the Department of
Public Works and Highways to ban all heavy trucks to pass by the Santa Rosa
Bridge and Santa Rosa – Tarlac Road," sabi ni Angeles sa kanyang sulat na
natanggap ng NEED 2 bandang 1:25 p.m. ng July 18.

"These heavy trucks are the ones responsible why many parts of Santa Rosa –
Tarlac Road and the Santa Rosa Bridge have been damaged which, in turn, slows
down the flow of vehicles and causes accidents," ayon pa sa sulat ni Angeles.

Ito na ang ikatlong sulat ni Angeles sa NEED 2 na may kaugnayan sa epekto ng
mga "sobrang bigat" na mga behikulo sa tulay. Ang una ay noong 2020, at ang
sumunod ay noong 2021.

Sabi ni Trinidad, nakota na rin ng kanilang maintenance crew ang butas sa tulay at
kumbinsido sila na kailangang-kailangan na itong gawin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here