Home Headlines Sanggol na naipit sa hospital lockdown, isa-isang pinadedede ng mga nurses

Sanggol na naipit sa hospital lockdown, isa-isang pinadedede ng mga nurses

1018
0
SHARE

Ang siksikan na mga pasyente at bantay sa naka-lockdown na Bulacan Medical Center. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS — Isa-isang pinadedede ng frozen breastmilk ng mga nurses ng Bulacan Medical Center
(BMC) ang mga bagong silang na sanggol na naipit sa pinaiiral na lockdown doon kasunod ng pagpositibo sa Covid-19 ng isang pasyente sa panganakan.

Ayon sa pamunuan ng BMC, dahil sa posibilidad na ma-expose sa virus ang ina ng mga sanggol ay ang mga nurses na muna ang nagpapadede sa mga sanggol upang mailayo ang mga ito sa naturang sakit.

Ang breastmilk naman na binibigay sa mga sanggol ay mula sa mga donasyon.

Sa ngayon ay sapat naman anila ang dami ng gatas na ibinibigay sa mga sanggol habang hinihintay nila na lumabas ang resulta ng isinagawang swab test sa mga nanay nito.

Dahil sa ipinagbawal din muna na makalabas ng ospital ang mga naroon ay makikita na siksikan sa ward facility at mga hallway ang mga pasyenteng nanganganak at bantay ng mga ito.

Gaya ng apat na sanggol na nagsusukob na lang sa iisang kama habang kahit bagong panganak ay nakatayo na lamang ang ina ng mga ito at mga bantay.

Sa ngayon ay 286 ang mga pasyente na nagsisiksikan sa ward ng BMC.

Samantala, nauna ng sinabi ni Dr. Hjordis Marushka B. Celis, provicial health officer II, na nakalockdown ang panganakan sa BMC kasunod ng may nagpositibo dito sa virus na isang pasyente.

Kayat hindi muna ito tatanggap ng mga bagong pasyente sa loob ng dalawang linggo.

Habang ang mga kasalukuyang mga pasyente na naroon at maging ang mga bantay nito ay isa-isang susuriin sa virus bago payagang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Kung may magpopositibo pa dito ay irerefer ang mga ito sa kani-kanilang mga LGU para sa kaukulang aksyon dahil kailangan ang mga ito na i-quarantine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here