Kung totoong kaya tinalo si Bondoc
Ng kilalang dealer ng umano’y Xerox
Na “reconditioned” o kaya “slightly used”
Ay dahil sa “flying voters” na hinakot,
Nitong huli, mula Makati’t Maynila
(Na aywan kung papano nakapagtala,
Sa San Simon nang di man lang nahalata),
Ay isang bagay na nakababahala!
Pagkat lumalabas na ang kagustuhan
Ng nakararami itong napipilan,
At di ang tunay na damdamin ng bayan
Ang nasunod dahil sa pangyayaring yan..
Yan ay kung tama ang naging obserbasyon
Ng marami nitong nagdaang eleksyon,
Kung saan may mga di kilalang taong
Nakapagboto sa bayan ng San Simon?
Partikular sa barangay Sto. Nino,
Na kung saan ayon sa “source” natin mismo,
At “poll watchers” mandin ng mga natalo;
Ay kapansin-pansin ang pagdagsa nito
Ng mga bandang lampas alas otso na,
At kung saan ang marami sa kanila
Ay kapuna-punang ang salita nila,
Liban sa tagalog – bisaya ang iba?
Kaya di malayong ang hinala natin
Ay totoo’t medyo malinaw ang dating
Na ang marami sa huling nagsidating
Sa naturang presinto’y “flying voters” din;
Bukod sa ilan pa na napabalita
Sa parteng Tulauc, na kung saan yata,
Panalo rin si Mam dahil sa pagdasa
Ng mga botanteng ang punto’y bisaya?
Sa puntong naturan, kung siseryosoin
Ng dating Vice Mayor ang malinaw nating
Narinig sa kanya nang kanyang sitahin
Ang isang barangay chair sa bayan natin,
Hinggil sa lantarang panghihimasok n’yan
Sa mga botante habang ang mga yan
Ay nasa presinto at tinuturuan
Nito kung alin ang mga mamarkahan,
Yan ay di malayong hahantong sa dapat
Paglagyan ng kanyang binalaa’t sukat,
Na ipararating sa ‘ting otoridad
Ang iligal nitong naging aktibidad.
Pagkat tunay namang nasa katuwiran
Ang dating Vice Mayor sa nakita po n’yan;
At nakunan mandin ng Video si Mam
Kaya’t may malinaw na ebidensya yan!
At kahit posibleng si Bondoc ay di na
Nagbabalak mag-“file” pa r’yan ng protesta,
Bunsod ng kawalan ng sapat na pera,
Pero di malayong sila’y magsasampa;
Ng kung anong kaso laban sa kung sino
Na posibleng maisampa sa husgado,
Partikular laban kay ‘chairwoman’ mismo
At nag-“flying voters” sa barangay nito!
Ng kilalang dealer ng umano’y Xerox
Na “reconditioned” o kaya “slightly used”
Ay dahil sa “flying voters” na hinakot,
Nitong huli, mula Makati’t Maynila
(Na aywan kung papano nakapagtala,
Sa San Simon nang di man lang nahalata),
Ay isang bagay na nakababahala!
Pagkat lumalabas na ang kagustuhan
Ng nakararami itong napipilan,
At di ang tunay na damdamin ng bayan
Ang nasunod dahil sa pangyayaring yan..
Yan ay kung tama ang naging obserbasyon
Ng marami nitong nagdaang eleksyon,
Kung saan may mga di kilalang taong
Nakapagboto sa bayan ng San Simon?
Partikular sa barangay Sto. Nino,
Na kung saan ayon sa “source” natin mismo,
At “poll watchers” mandin ng mga natalo;
Ay kapansin-pansin ang pagdagsa nito
Ng mga bandang lampas alas otso na,
At kung saan ang marami sa kanila
Ay kapuna-punang ang salita nila,
Liban sa tagalog – bisaya ang iba?
Kaya di malayong ang hinala natin
Ay totoo’t medyo malinaw ang dating
Na ang marami sa huling nagsidating
Sa naturang presinto’y “flying voters” din;
Bukod sa ilan pa na napabalita
Sa parteng Tulauc, na kung saan yata,
Panalo rin si Mam dahil sa pagdasa
Ng mga botanteng ang punto’y bisaya?
Sa puntong naturan, kung siseryosoin
Ng dating Vice Mayor ang malinaw nating
Narinig sa kanya nang kanyang sitahin
Ang isang barangay chair sa bayan natin,
Hinggil sa lantarang panghihimasok n’yan
Sa mga botante habang ang mga yan
Ay nasa presinto at tinuturuan
Nito kung alin ang mga mamarkahan,
Yan ay di malayong hahantong sa dapat
Paglagyan ng kanyang binalaa’t sukat,
Na ipararating sa ‘ting otoridad
Ang iligal nitong naging aktibidad.
Pagkat tunay namang nasa katuwiran
Ang dating Vice Mayor sa nakita po n’yan;
At nakunan mandin ng Video si Mam
Kaya’t may malinaw na ebidensya yan!
At kahit posibleng si Bondoc ay di na
Nagbabalak mag-“file” pa r’yan ng protesta,
Bunsod ng kawalan ng sapat na pera,
Pero di malayong sila’y magsasampa;
Ng kung anong kaso laban sa kung sino
Na posibleng maisampa sa husgado,
Partikular laban kay ‘chairwoman’ mismo
At nag-“flying voters” sa barangay nito!