Home Headlines San Jose City: Strict community quarantine deklarado hanggang Hulyo 31

San Jose City: Strict community quarantine deklarado hanggang Hulyo 31

1552
0
SHARE

SAN JOSE CITY — Mananatili pa ring sarado ang mga negosyo at establisimiyento sa lungsod na ito kahit matapos pa ang enhanced community quarantine sa Mayo 15.

Batay sa City Ordinance 20-017 na ipinasa ngsangguniang panlungsod nitong Abril 27, idineklara ang State Of Public Health Emergency at ipinasasailalim sa strict community quarantine ang lungsod hanggang ika-31 ng Hulyo 2020.

Ang ECQ ay umiiral ngayon sa malaking bahagi ng Luzon sa gitna ng paglaban ng bansa, kasama ang Central Luzon, bilang hakbang ng pamahalaan upang mahadlangan ang paglaganap ng nakamamatay na coronavirus disease 2019.

Bilang resulta ng deklarasyon, suspendido ang business permit ng lahat ng mga negosyo at establisimiyento sa panahong umiiral ang quarantine period, maliban sa mga deklarado na “essential.”

Pansamantala ring ipinatitigil ang trabaho sa mga negosyo at establisimiyento, maliban sa mga idineklara ng alkalde na “essential,” batay sa ordinansa.

Katulad sa ECQ pansamantala ring suspendido ang klase sa mga paaralan at gayundin ang pampublikong transportasyon.

Itinatakda rin sa ordinansa ang ilang health protocols, katulad ng umiiral sa ngayon.

Alinsunod sa City Ordinance, ang sinumang tao na lalabag dito ay papatawan ng P5,000 o isang taong pagkabilanggo, o pareho depende sa deskrisyon ng hukuman.

Ang P5,000 penalty ay babayaran ng magulang o guardian kung sakaling menor de edad ang lumabag, batay pa rin sa Section 4 ng ordinansa.

Kung ang lumabag naman ay establisimiyento, ang nasabing mga kaparusahan ay ipapataw sa may-ari o manager nito.

Nasa kapangyarihan ng alkalde ng lungsod ang posibleng pagpapaikli ng community quarantine ngunit tanging sangguniang panlungsod lamang ang makapagpapalawig pa, ayon sa Section 5. 

Naunang itinakda ang pagtatapos ng ECQ noon sanang Abril 30 ngunit pinalawig ito ni Pangulong Duterte ng hanggang May 15, alinsunod sa rekomentasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infecftious Diseases. 

Ilang lalawigan at rehiyon naman ang isinailalim sa general community quarantine kung saan maaaring magbukas ang ilang negosyo at pampublikong transportasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here