Labis na ikinatuwa ni Sam Pinto na balik-number one siya sa FHM’s sexiest. Nalagay siya sa ibang puwesto, but as of last week, balik siya bilang numero uno.
Pumangalawa lang kay Sam si Angel Locsin, nasa ikaapat lang si Marian Rivera at sa ikatlong puwesto si Solenn Heusaff. So far, di pa tapos ang bilangan at marami pang pagkakataon ang iba para mahabol kay Sam ang unang puwesto.
Kung si Sam lang ang tatanungin, mas gusto na niyang mawala sa number one, kasi nga, intriga lang ang dulot nito sa kanyang buhay. Last year nga naman, di siya tinantanan kasi nga siya ang nag-number one.
Di ba may intrigang mamili lang daw siya ng boto?
This year nga, halos di na kumakampanya ang kampo ni Sam, sa kapalaran na lang inaasa ang lahat. But still she is emerging to be number one. Isa lang naman ang ibig sabihin noon. That she truly deserves to be number one, kasi talaga namang sexy siya.
Did you know na ang vital statistics ni Sam ay perfect na 32-26-32? O di ba, sexy siya talaga. Yung iba riyan, ano ba’ng kanilang vital stats. Di ba sobrang lalaki ng mga balakang nila?
Di ba Marian Rivera?