Aminado si Anne Curtis na nanliligaw si Sam Concepcion sa kapatid niyang si Jasmine Curtis. Para sa kanya, okay naman ang Kapamilya young singer-actor.
"Mabait siya and he’s such a gentleman," papuri ni Anne kay Sam.
So, aprub sa kanya si Sam?
"Ayoko pong magsabi but just as long as he keeps up what he is now, then he’ll get my big thumbs up," say ni Anne.
Dagdag pa ng actress-host, "But Sam is such a nice boy naman."
Allowed na rin naman daw na magkaroon ng boyfriend si Jasmine and in fact, she’s had one before.
Basta ang pinapayo lang daw niya sa younger sis ay huwag magmadali.
"Parang enjoy every single moment if it’s getting to know the person, enjoy that first. Because when you commit, you don’t wanna break somebody’s heart," she said.
Given the chance, gusto niyang makasama sa isang project ang kapatid pero mukhang malabo sa ngayon dahil nasa TV5 ito.