Home Headlines ‘Salubong’ sa Bataan sinalubong ng maraming tao

‘Salubong’ sa Bataan sinalubong ng maraming tao

303
0
SHARE

SAMAL, Bataan: Buong siglang sinalubong ng maraming tao ang “salubong” ng mga Imahen ng Risen Christ at Virgin Mary na ginanap Sabado ng gabi bilang paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay sa St. Vincent  Ferrer Parish church sa Barangay Calaguiman sa Samal, Bataan.

Una munang nagsagawa ng Banal na Misa at pagkatapos ay sumunod ang dalawang magkahiwalay na grupo ng prusisyon. Ang isang grupo ay sa Imahen ng Risen Christ na mula Hilaga at ang isa mula sa Timog ay sa Imahen ng Birhen Maria kasama ang ilang Imahen ng mga babaing Santa.

Pagsapit ng dalawang prusisyon sa tapat ng simbahan ay doon na ginanap ang “salubong” habang masayang umaawit at sumasayaw ang maraming batang nakaputi na gumaganap na  mga anghel.

Habang inaalis ang belo ng Imahen ng Mahal na Birhen ay nagsasaboy ng talulot ng mga bulaklak ang mga batang gumaganap na mga anghel samantalang nagpapaputok ng kuwitis at nagpapalipad ng mga lobo. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here