SAMAL, Bataan: Nagdiwang ang maraming mananampalataya ngayong Easter Sunday bilang pagbubunyi sa muling pagkabuhay o resurrection ng Panginoong Hesucristo tatlong araw matapos mamatay sa pagkakapako sa krus.
Tinatawag itong Pasko ng Pagkabuhay at itinuturing na masayang pagtatapos ng Kwaresma.
Sa maraming bahagi ng Bataan, isinagawa sa mga Simbahan ng Katoliko at Iglesia Filipina Independiente ang “Salubong” o ang masayang pagkikita ng Birheng Maria at ng kanyang anak na si Hesus.
Ang IFI o Aglipay Church sa Samal sa pangunguna ni Fr. Roderik Miranda tulad ng ibang mga Simbahan ay nagsagawa ng prusisyon at makulay na programa para sa “Salubong”.
Tampok dito ang mga batang babaing nakaputi na gumaganap bilang mga anghel na sumasayaw at umaawit bilang pagbubunyi sa muling pagkabuhay ng Kristo.