‘Salangi Tamu’

    404
    0
    SHARE
    Ito ang ‘slogan’ na kalulunsad lang
    Sa Angeles City, na pinasinayan
    Nitong a-siyete ng buwang salukuyan,
    Sa pangunguna ni Mayor Pamintuan

    Kasama si Vice Mayor Vicky Cabigting
    At ibang opisyal na nagsidalo rin;
    Kung saan ang ilang kabaro po natin
    Sa pamamahayag ay naroroon din

    Upang makiisan sa butihing Mayor
    At sa iba pang kasamahan sa City Hall,
    Sa pagdiriwang ng naturang okasyon,
    Na ginanap sa isang sumisikat na Mall.

    Na ‘walking distance’ lang mula sa gusali
    Ng city hall mismo, kaya mas madali
    Ang pagpunta, at ang salitang ‘Salangi’
    Ay akma at tunay na katangi-tangi.  

    Na ang ibig tukuyin nitong nasabing
    Slogan ay dili’t iba’y panandaling
    Dumaan muna o tapunan ng tingin
    Ang lahat ng puedeng makita sa amin;

    Gaya ng kung ano ang hitsura ngayon
    Ng Angeles, matapos ang ilang taon;
    Na ito’y tuluyang muling makabangon
    Sa pinsalang dulot ng pagputok noon

    Ng Mt. Pinatubo, na kung saan halos
    Nabaon sa lahar ang nasabing lungsod
    At kung saan sanhi nito’y nabulabog
    Pati negosyante sa matinding takot.

    At naging mitsa ng biglang pagdausdos
    Ng ekonomya na dati’y nasa rurok;
    Na talaga naman ding matatag lubos
    Kumpara sa iba pang karatig pook.     

    Sinundan pa nitong paglisan sa Clarkfield
    Ng kampo ng Kano, matapos ang ‘tragic’
    Na pagragasa at pag-ulan ng putik
    Ng nasabing bulkan kaya nagsi-alis.

    At iba pang saan-saan nakarating
    Kung kaya’t natural lang na tatamlay din
    Ang lahat pati na ang dapat kitain
    Ng lungsod mula sa ‘business sectors’ natin.

    Gayon man, matapos ang nga ang ilang taon
    Ay medyo bawi na sana ang City Hall,
    Kaya lang, aywan kung totoong si Blueboy
    Ay bulagsak yata o sobrang gastador?

    Kaya suma total, utang ang dinatnan
    Ni Edpam, nang siya na ang manungkulan
    Bilang alkalde ng lungsod na naturan
    Matapos ang ilang buwang nakaraan.

    At ngayon, heto nga’t kanyang inilunsad
    Ang ‘Salagi Tamu,’ na sumasagisag
    Ng paanyaya’t malugod na pagtanggap
    Sa balana upang pasyalan ang siyudad.

    At nang makita ang mga pagbabago
    Na naririyan na’t makikita rito;
    Na lubhang kakaiba sa dating estilo
    At hitsura pati ng pangungubyerno.

    Kaya, hayan ngayon muling bumabangon
    Ang ‘city of angels,’ bunsod na rin nitong
    Kagalingan nitong salukuyang Mayor
    Sa pamamahala’t agarang pag-aksyon;

    Sa anumang dapat mabigyan ng sapat
    Na atensyon para sa nasabing Siyudad,
    Gaya ng ngayo’y nakikita ng lahat
    Kay Oca, sa pagsi-silbi ng matapat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here