ABUCAY, Bataan- Nanghahaba ang leeg ng maraming tao sa gilid ng kalsada habang dumaraan ang Santakrusan ng barangay Laon sa Abucay, Bataan Linggo ng gabi.
Waring nanibago sila sa kanilang namalas. Ang mga sagala sa ilalim ng arko na may naglulumiyab na ilaw ay mga “forgets” na pala. Ang mga sagala ay may edad na 40 pataas na taong gulang.
Ang iba ay mga lola na ngunit smarte pa rin sila sa kanilang magagandang kasuotan. Panay ang ngiti ng ilan at may pakaway-kaway pa sa bati ng mga taong nakahilera sa tabi ng daan.
“Maganda, kakaiba,” sabi ng ilang tumatawa.
May pambalanse naman. Matapos ang mga sagalang may edad na ay sumunod naman ang mga bagets.