Saan posibleng humantong?

    311
    0
    SHARE
    ISA SA testigo laban kay De Lima
    ang tahasang ibinulgar sa Kamara
    itong umano ay nakatanggap siya
    ng Php 1.5M sa kalakalang droga

    Sa loob pa mandin ng Bilibid Prison
    na ipinabigay kay De Lima noon
    ng isang drug lord na harapang tinukoy
    ang pangalang Jaguar sa imbestigasyon.

    Na itinanggi niya, pero sa totoo lang
    ang sinabi nitong testigong naturan
    ay sapat na upang siya ay sampahan
    ng kasong ni hindi maaring piyansahan.

    At itong iba pang tumayong testigo
    laban kay De Lima ay puro kuntodo
    ‘pamatay’ ang naging pahayag n’yan mismo
    hinggil sa koneksyon ni Madam sa shabu!

    Sa kabilang dako, sana ay maingat
    naman si Robredo sa mga pahayag,
    na binibitiwan, gaya ng pagbanat
    kay Duterte sa kanyang pamamalakad.

    Tulad halimbawa nitong panawagan
    ni Leni para sa opisyal ng bayan,
    na mag-isip muna bago nila buksan
    ang bunganga ay kay RD patama yan!

    At kahit sa sariling paniniwala
    ni Leni Robredo, si Duterte’y di nga
    muna nag-iisip bago magsalita,
    mas makabubuting manahimik kusa.

    Pagkat si Duterte pa rin ang boss mismo
    ng lahat nitong kawani sa gobyerno,
    kasama na pati syempre si Robredo,
    bilang isa sa mga ‘appointees’ nito

    Na bagama’t si Robredo ay kabilang
    sa kontra-partido – at kanyang tinuran
    na ayaw n’yan ng ibang pangulo liban
    (kay Roxas) pero nasaan na ngayon yan?

    (Di ba nasa kampo na nga ni Duterte
    bilang ‘chairperson’ nitong HUDCC
    na kinakailangang sa’ting Presidente
    makisama sa pamamahala pati?)

    Kung sa tingin niya ay di masikmura
    ang estilo ng Boss sa pagsasalita,
    magbitiw na siya at huwag nang umunga,
    nang di mapintasan nitong taong-madla.

    Terible din naman ang pinakawalan
    na pananalita ng Sekretaryo riyan
    ng Tanggulang Bansa, na si Duterte raw
    ay posibleng ito ay sinusubuan

    Ng umano’y mga maling impormasyon
    hinggil sa tunay kalagayan nitong
    ‘joint military exercises’ patungkol
    sa’ting AFP at US Army ngayon.

    Alam o hindi ni Delfi n Lorenzana
    ang sinabi n’yan ay pagpapakilala
    ng matinding pagka-kahati kumbaga
    sa pamahalaang Duterte, di po ba?

    At itong sa US ay sumusuporta,
    na nagnanais na tuluyang mabura
    ang ‘US-Philippine relation’ pati na;
    tungo sa posibleng pagkiling sa iba.

    Gaya ng sa Russia’t China na parehong
    komunistang bansa, kaya di malayong
    sa pagkakagalit ni Obama’t Digong,
    Ang tanong: Saan na posibleng humantong?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here