Sa TV5 na lilipat si Willie Revillame

    323
    0
    SHARE
    Lilipat na ba si Willie Revillame sa TV5? May mga hints nga kasing sa TV 5 na siya magkakaroon ng bagong noontime show. Katunayn daw, nagmi-meeting na ang mga staff ni Willie sa Tagaytay City ng kung ilang araw na. If plans do not miscarry, baka raw mga bandang October na eere ang bagong noontime show ni Willie Revillame.

    May naka-sight daw kasi kay Willie habang nakikipag-meeting diumano sa ilang executives ng Singko after ng presscon nito kung saan sinabi niyang tumitiwalag na siya sa Dos. Sa Hotel Rembrandt daw nagtuloy ang grupo ni Willie matapos ang kanyang presscon last week.

    Ang tsika pa, naroon daw sa meeting na iyon si Bobot Mortiz na kilalang kaalyado ni Willie. Best friends ang dalawa at ilang beses na silang nakitang magkasama noon. Ang meeting ba na ‘yon, kung totoo mang nangyari nga, ay signal na lilipat na si Willie sa TV5?

    May nasagap din kaming tsika na nagkakagulo na raw ngayon sa Pilipinas Win Na Win. Marami na raw kasi ang gustong sumama kay Willie. Marami na raw ang nagbabalak na layasan na ang show at ang network.

    Nag-resign na si Jay Montelibano, ang Business Unit Head ng Pilipinas Win Na Win, at marami pa raw susunod na magre-resign.

    ‘Pag nangyari ito, baka mapilayan ang noontime show ng Dos. Kung sa bagay, hindi na naman talaga nagre-rate ang noontime show nila kaya nga ang ginawa nila ay ipinangtapat ang Showtime sa Eat Bulaga at medyo late na ang pasok ng show ni Kris.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here