1.
Sa panahon ng TAG-ULAN ay palaging binabaha
ang napakaraming lugar dito sa’ting INANG-BANSA
ang walang tigil na ulan pati ang PANANALASA
ng malalakas na BAGYONG sa atin ay tumatama
na madalas na pagmulan ng malawakang PAGBAHA
sa sandaling UMAPAW na ang ilog at mga sapa
2.
Dahil dito ang gobyerno ay NAPUKAW ang atensiyon
upang ang mga pagbaha ay mabigyan ng SOLUSYON
mayrong inilaang PONDO na dito ay iniukol
ang halaga diumano’y aabot sa DAANG BILYON
para sa pagpapagawa sa sistema ng FLOOD CONTROL
at sari-saring proyekto’t mga REHABILITASYON
3.
Sa kabila ng MARUBDOB na hangarin ng gobyerno
upang MAIBSAN ang baha’y pinaglaanan ng pondo
subalit sa mga ulat na nahayag sa SENADO
mayrong mga GHOST PROJECT o proyektong hindi totoo
diumano mayrong ilang KONGRESISTANG sangkot dito
maging DISTRICT ENGINEER sa mga palpak na proyekto
4.
Ang ilang FLOOD CONTROL SYSTEM na kanilang ginagawa
dahil sa SUB STANDARD daw ang yari ay mahihina
kung may ginamit mang bakal diumano’y hindi AKMA
ayon sa mga nagsiyasat sa disenyong ITINAKDA
kayat pag dinaanan ng tubig na RUMARAGASA
unti-unting nawawasak at tuluyang NAGIGIBA
5.
Ga’no kaya katotong may SANGKOT na kongresista?
taga DPWH at GAHAMANG kontratista
sa ilang GHOST PROJECT nitong mga magkakakutsaba
at iba pang proyekto na pinagkakitaan nila
ano kaya ang dapat at nababagay na PARUSA?
sa mga may kaugnayan sa ganitong ANOMALYA?
6.
Hindi lang district engineer ang dapat IMBESTIGAHAN
kundi maging ang lahat ng magigiting na CONGRESSMAN
municipal engineer at ang mga BAC CHAIRMAN
na sa mga proyekto ay maaring may kinalaman
pati DPWH sa lahat ng LALAWIGAN
na maaring sangkot din sa mga KATIWALIAN
7.
Upang ganap na masugpo ang talamak na KORAPSYON
na UMIIRAL sa bansa sa matagal ng panahon
di sapat ang habang buhay lamang na PAGKAKAKULONG
laban sa mga ganiid at PULITIKONG MANDARAMBONG
ang pinakamainam at nararapat na IHATOL
ay parusang FIRING SQUAD o kaya’y LETHAL INJECTION