Home Featured Article SA PAGPASOK NG ‘BER MONTHS Tindang parol sa Pampanga dinarayo na

SA PAGPASOK NG ‘BER MONTHS
Tindang parol sa Pampanga dinarayo na

1218
0
SHARE

(Pagpasok pa lang ng Ber Months ay marami na ang dumarayo sa San Fernando City, Pampanga para bumili ng parol. Ayon sa mga mamimili mas makakamura sila kung maagang bibili at mas matagal nila itong magagamit hanggang matapos ang Christmas season. Ang City of San Fernando ay kilala bilang lantern capital ng bansa. Kuha ni Rommel Ramos)

CITY OF SAN FERNANDO — Marami na ang nagtitinda ng mga parol sa tinaguriang “Lantern Capital of the Philippines” sa pagpasok pa lang ng ‘Ber months.

Matatanaw na sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue at maging sa kabayanan ng San Fernando ang kabi-kabilang nagtitinda ng parol.

Kumukutitap na ang mga parol lalo na sa pagsapit ng gabi at ramdam na ramdam na ang Pasko.

At kahit kakapasok pa lang ng Setyembre ay marami na rin ang dumarayo pa sa Pampanga para mamili ng mga parol.

Ayon sa mga mamimili mas mura daw kasi kapag maaga silang bumili at mas matagal nilang magagamit ito sa kabuuan ng Christmas Season, na sa kanila ay mula Setyembre hanggang Enero ng 2019.

Karamihan ay dayo pa mula sa ibat-ibang lalawigan tulad ng Bataan, Tarlac at maging mula sa Parañaque at Metro Manila.

Ilan ang nagsabi na halos doble daw kasi ang presyo kapag hindi sila sa Pampanga mamimili.

Ayon naman kay Loida Cayanan, tindera ng parol, nasa pinakamababang presyo nila ngayon ay P800, habang P11,000 naman ang pinakamahal.

Ngayong taon ay may bago silang mga disenyo gaya ng “Butotan,” “Peacock” at nga led lights lantern.

Talaga daw dinarayo ang kanilang lugar ng mga mamimili pagpasok ng Setyembre at inaasahan na mas dadagsain pa ito pagsapit ng Oktubre hanggang Disyembre.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here