Home Opinion SA LAHAT NG MANDURUGAS, PLUNDER CASE ANG NARARAPAT

SA LAHAT NG MANDURUGAS, PLUNDER CASE ANG NARARAPAT

142
0
SHARE

1.
Dahil sa flood control project na sadyang MAANOMALYA marami ng nagaganap na mga KILOS PROTESTA
ang pangunahing layunin ng kanilang PAG-AALSA ay upang papanagutin ang lahat ng NAGKASALA walang dapat MAKALUSOT ni isa man sa kanila lalo na ang pulitikong KASABWAT ng kontratista

2.
Mga biktima ng baha ang sigaw ay KATARUNGAN sanhi na rin ng kanilang HIRAP na nararanasan lalo na sa PAMPANGA at lalawigan ng BULACAN
na palaging BINABAHA sa panahon ng tag-ulanhanggang ngayon ay may tubig pa ang mga KABAHAYAN ang malawak na lupain ay mistulang KARAGATAN

3.
Ang mga flood control project kung hindi sana DINAYA at inayos na maige ang mga PAGKAKAGAWA ang mga SLOPE PROTECTION hindi sana nagigiba kahit patuloy ang daloy ng tubig sa PAGRAGASA hindi AAPAW ang ilog pati na ang mga sapa na pangunahing dahilan ng malawakang PAGBAHA

4.
Kung ang pondo sa flood control ay di sana KINULIMBAT ng mga taong GAHAMAN sa ngalan ng pandurugas
wala na sanang kalsadang sa tuwina’y ITINATAAS na ginagastusan lamang ng salaping LIMPAK-LIMPAK kung maayos ang flood control tayo’y di sana DARANAS ng pagbaha saan pa mang sulok nitong PILIPINAS

5.
Ngunit marami sa ating HONORABLENG PULITIKO ang tila ba walang puso at damdaming MAKA-TAO
kumita lang ng salapi sa mga PEKENG PROYEKTO isusugal nila pati DANGAL nila’t pagkatao hindi baleng MAGHIRAP ang kapwa nila Pilipino walang kwenta sa kanila masunod lang ang KAPRITSO

6.
At dahil sa nangyayari walang tulong na DUMAGSA buhat sa’ting karatig at mga KAALYADONG BANSA NILINDOL na itong bayan at SINALANTA ng baha
kibit balikat lang sila at hindi na NABAHALA dahil kaya sa KORAPSIYONG laging laman ng balita?
at sa mga pulitikong batid nilang MASISIBA ?

7.
Lahat sana ng sangkot na KONGRESISTA at SENADOR mga DISTRICT ENGINEER na sinasabing nangomisyon ay makasuhan ng plunder pati na rin ang CONTRACTOR kapagka ang kunulimbat higit sa LIMAMPUNG MILYON upang di pamarisan ng susunod na HENERSAYON na maaaring MAGLINGKOD sa darating na panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here