IBA, Zambales – Patay ang isang seminarista matapos itong malunod habang naliligo sa isang Beach Resort dito habang nananalasa ang bagyong Juan, noong Lunes hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Allan de Guzman, 40, seminarian of Order of Piarist Father Seminary at residente ng No. 144, 9th St., New Manila, Quezon city.
Ayon sa ulat ala-1:30 ng hapon ng magtungo ang grupo ng mga seminarista para magbakasyon sa Tabile Beach Resort sa Barangay Bangantalinga.
Nabatid na habang nasa signal no. 1 ang Zambales sa bagyong Juan, nagawa pang maligo ng biktima sa dagat at ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng mag-panic ang mga kasamahan nito dahil hindi na nila nakita ang biktima.
Ayon pa sa ulat ang biktima ay tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilalim ng dagat na siyang dahilan ng kanyang pagkalunod.