Home Headlines Sa kabila ng init ng panahon, Bustos Dam nagpakawala ng tubig

Sa kabila ng init ng panahon, Bustos Dam nagpakawala ng tubig

525
0
SHARE
Bukas na sluice gate ng Bustos Dam. Kuha ni Rommel Ramos

BUSTOS, Bulacan — Sa kabila ng mainit na panahon ay nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam matapos itong lumagpas sa spilling level na 17.35 meters ngayong May 1.

Ayon sa impormasyon, umakyat sa 17.42 meters ang tubig sa Bustos Dam kayat binuksan ng tig-2 metro ang dalawang sluice gate kaninang alas-10 ng umaga.

Ito ay may kabuuang lakas ng nasa 90 cubic meter per second.

Isinara ang sluice gate ganap na alas-12:30 ng tanghali matapos na mag-normalize sa 17.34 meters ang water level nito.

Ayon sa pamunuan ng Bustos Dam, ang pagtaas ng reserbang tubig dito ay posibleng dahil sa naranasang malakas na pag-ulan kahapon sa ilang bahagi ng Bulacan.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ng pagbaha ang pagpapakawala na ito ng tubig ng dam bagama’t binigyan pa rin ng abiso ang mga otoridad para bigyan ng paalala ang mga naninirahan malapit sa Angat River.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here