Home Headlines SA CAGAYAN Power coop ng CL tutulong sa restorasyon ng kuryente

SA CAGAYAN
Power coop ng CL tutulong sa restorasyon ng kuryente

747
0
SHARE

(Ilan sa mga truck pang-kuryente na tumulak pa-Cagayan. Kuha ni Armand Galang)

TALAVERA, Nueva Ecija – Mahigit 100 linemen at kawani ng mga kooperatiba ng kuryente sa Gitnang Luzon ang nagtungo ngayon, dala ang 20 iba’t ibang uri ng trak, sa lalawigan ng Cagayan upang tumulong sa restorasyon ng kuryente na sinalanta ng bagyong Ompong.

Sa send-off ceremony na isinagawa sa Nueva Ecija Electric Cooperative 2 Area 1 dito, binigyan ng kanya-kanyang assignment sa Cagayan Electric Cooperative 1at 2 ang mga contingent ng bawat kooperatiba.

Ayon kay Reynaldo Villanueva, presidente ng Central Luzon Electric Cooperative Association o CLECA, maraming lugar pa rin sa Cagayan ang walang kuryente hanggang sa ngayon.

Sa Cagayan 2 ay umaabot sa 900 na poste ang natumba samantalang nasa 500 naman sa Cagayan one, ayon kay Villanueva.

Sa inisyal na kasunduan at tatagal ng isang buwan ang contingent sa kanilang assignment pero posible pang tumangal sakaling kailanganin.

“Tutulong sila hanggang matapos ang gawain doon. iyan ang commitment namin sa aming (National Electrification) administrator,” sabi ni Villanueva.

Sagot ng mga kani-kanyang kooperatiba ang sweldo at lahat ng gastusin ng contingent samantalang sa sa host cooperative ang materyales sa restorasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here