Ruffa Guttierez, John Lloyd Cruz friends in love?

    301
    0
    SHARE
    Iisang tugtog ang tono ng kinakanta ngayon nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Sa gitna ng usaping seryoso na ang kanilang relasyon na nagpatunay daw nito ang pagmamarakulyo ni Annabelle Rama, dahil hindi naman daw ganoon ang maging reaksyon ni Bisaya kung wala pa siyang pruwebang nakikita, ay heto nga ang dalawa, nagmamaang-maangan sa mga tunay na nangyayari sa kanilang buhay-pag-ibig ngayon.

    Isa pa, hindi naman ganito magiging kaingay at tatagal ang kontobersya kung wala talagang namamagitan sa kanilang dalawa.

    But assuming na meron nga, sana naman, maging totoo kapuwa’ng dalawa na umamin na para matapos na’ng lahat.

    After all, bagay naman sila at halos lahat ng nakapaligid sa kanila ay boto sa kanilang relasyon.

    Hindi ba, Jun Lalin?

    “With everything that’s coming out, you know, sayang ang friendship na nabuo. Kasi, friendship pa nga lang, naudlot na. It could even flourish to you know, even a deeper friendship. Because of everything that’s coming out, instead of gaining a friend, I might lose a friend, so, I don’t like to talk about it anymore kasi OA na ang mga balita. Parang ang feeling ko, ikakasal na ako next week. Ano ba ’yan?”

    So, does she mean na matatapos na ang friendship nila?

    “Hindi naman. Siguro, ’pag hindi huminto ang mga ganitong balita, baka mawalan ako ng isang kaibigan. ’Yun ang nakalulungkot. So, sana, nakikiusap din ako sa mga tao, including my mom (Annabelle Rama) na huwag na munang magsalita. Pagpahingahin muna natin ang mga balita. Tutal, like I said, there’s really nothing going on yet na kailangan ng major and bonggang-bonggang news. Wala pa naman, masyado silang nae-excite. Inuunahan na. Wala pa ngang nangyayari, patay na, ano ba ’yan?

    “We’re just friends, so, there’s no pagmamahal involved. Pagmamahal maybe as a friend, you care for the person, but it hasn’t gotten that deep.”

    So far, ganito rin sinasabi ni John Lloyd kapag natatanong.

    Na friend lang niya si Ruffa Gutierrez.

    “Yun ang sinasabi ko dati na nangyari kay Carmen [Soo],” paalala ni John Lloyd. “Parang we just wanted to be friends. Di ba, ang sarap na meron kang friends na taga-Malaysia na pagpunta mo dun? At saka masarap yung marami kang friends. E, dati, parang medyo napigilan yun dahil inunahan ng balita.

    “Parang ganito ang nangyayari ngayon. Although this time, magkaibigan kami ni Ruffa. And nahihirapan lang kami to act like normal real friends dahil inunahan na naman ng intriga, although extreme yung mga naglalabasan. Kung paano naaapektuhan yung pagkakaibigan namin. Parang ang hirap i-sacrifice, e. I mean, para saan? Kasi may mga naglalabasan na hindi magagandang balita,” saad niya.

    Against daw ang kampo niya kay Ruffa? Totoo ba ito?

    “Ang lawak naman ng narating ng isyung ito,” reaksiyon ni John Lloyd. “Ang para sa akin, sobra na. Masyado nang lumawak ang kinapuntahan ng isyung ito. Para sa akin, tama na. Hindi na dapat ito pahabain nang pahabain. Kami ni Ruffa ay magkaibigan lang, tapos. Yung mga nagki-create ng kung anu-anong intriga out of it, kasi masarap nga namang pag-usapan.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here