Isang buwan matapos ang pagre-resign ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi, ayon sa head ng creative and entertainment ng TV5 na si Perci Intalan, okey naman daw ang lahat ngayon at kumbaga, malamig na ang issue.
Bagama’t aminado si Perci na at first ay sumama raw talaga ang loob ng staff ng Paparazzi kay Ruffa sa pagtawag na “trash” sa nasabing showbiz talk show na programa rin ng aktres/TV host, sinabihan naman daw niya ang mga ito na huwag nang palakihin pa ang issue.
“Ako, I have to be always rational, eh,” pahayag ni Perci nang maka-panayam namin siya. “When I saw ’yung tweets niya, I know that there were something wrong and inano ko na lang na bugso ng damdamin, sama ng loob.
“’Yung production staff, aaminin ko, they felt bad, but I had to explain to them na tanggapin na natin a few things — first, it was her birthday so if she felt bad about it, hindi natin maiaalis ’yun.
If she felt bad about it so much na nag-tweet siya ng ganu’n, benefit na niya iyon dahil birthday niya. Hayaan na muna natin kasi ibang level ’pag nangyari ’yun sa ’yo on your birthday kesa ordinary day.”
Good thing, nakinig naman daw sa kanya ang Paparazzi team at hindi na nga pinalaki ang issue.
“Sinabi ko na ‘huwag na nating palakihin kasi ’yung sama ng loob n’yo papatong sa sama ng loob niya and before we know it, hindi na natin ito mare-reconcile ever.
“At bukod pa roon, baka mauwi tayo sa bangayan o mauwi sa demandahan. Hindi maganda,so basta mag-lie low na lang tayo, tanggapin natin na masama ang loob niya, tapos magsabi na lang tayo na we feel bad na masama ang loob niya and then let’s both move on.
Ruffa is doing Enchanted Garden, let her do it.’
“And then, sabi ko sa Paparazzi, nagkaka-show naman tayo dati when Ruffa is away, may nagpi-pinch hit naman, in fairness, si Lucy (Torrez-Gomez) has been very generous with her time, si Gelli (de Belen), nag-pinch hit noon.
So, sabi ko, it’s not like wala kayong host. May mga hosts naman. So, you know, mag-move on na lang pareho.
“And after that, natuwa naman ako that both party, tumahimik na, hindi na lumaki ’yung gulo,” pahayag pa ng TV5 executive.
Pero paglilinaw ni Perci, “I definitely don’t think that the show (Paparazzi) is trashy” as opposed to what Ruffa has said.
Anyway, hanggang early next year pa ang kontrata ni Ruffa sa TV5 and when asked kung balak pa nilang i-renew ang aktres, aniya ay wala naman daw siya sa posisyon para sagutin ito at this point in time dahil siyempre, idi-discuss pa ’yan ng management.