Rufa Mae Quinto nasusuka sa mukha ni Mo Twister

    309
    0
    SHARE
    Sinadyang hindi siputin ni Rufa Mae Quinto ang Showbiz Central last Sunday dahil sukang-suka na ito sa pagmumukha ni Mo Twister.

    Sa ginawa naman daw nitong paninira sa kanya ay hindi na raw nito magagawang dedmahin o patawarin si Mo.

    Pinag-iisipan na rin ni Peachy kung mananatili pang co-host ng Showbiz Central dahil ayaw na raw niyang makita pa si Mo.

    Hindi na kasi nakakatuwa ang “pagbibirong” ginagawa nito kay Rufa Mae.

    Kaya hindi pa alam kung kailan babalik sa show si Rufa Mae hanggang naroroon si Mo.

    “Hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya sa akin. ‘Yung unang ginawa niya sa akin na may sex video rin ni Hayden ay pinatawad ko. Pero itong palabasin na si Congressman Mikey raw ang nagbigay sa akin ng house and lot sa Tate at pakakasalan ko ay hindi na tama. Hindi ko maintindihan ‘yang si Mo kung ano ang gusto niyang palabasin para gawin ang mga ganitong paninira sa akin,” bulalas ni Rufa Mae.

    Kung sakali, sino kaya ang pipiliin ng Siyete kina Rufa Mae at DJ Mo para manatili sa Showbiz Central?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here