Rufa Mae Quinto iniwan ng mysterious lover na politician?

    686
    0
    SHARE
    Paulit-ulit na lang ang balitang kesyo ikakasal na si Rufa Mae Quinto. Kung kani-kaninong lalaki na siya na-link but in the end, heto siya, single pa rin at puwedeng sabihing walang lalaking naghatid sa kanya sa altar.

    Kailan lang ba yung isyu tungkol sa mysterious suitor niya kuning kunig na kesyo pakakasalan na siya nito? Pahulaan ang pulitikong ito na sabi, ubod daw ng yaman. Implicated sa isyu ang isang pulitiko from a very influential family of politicians, lalo na nga’t nagpa-annul na raw ito ng kasal sa kanyaang asawa.

    Pero nag-die down ang isyu at naiwan in the cold ang bubbly comedienne.

    Ngayon nga, halatang iniiwasan ni Rufa Mae Quinto na pag-usapan ang tungkol sa pagkakaudlot ng kanyang kasal ngayong  taon.

    Marami pa naman ang nag-aabang sa magiging announcement niya sa Showbiz Central last Sunday pero bigo ang lahat dahil mabilis niyang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

    Obviously, walang kasalang magaganap kay Rufa Mae at sa kanyang mysterious boyfriend na si Mr M.

    Marami tuloy ang naghinala na hiwalay na sila at ayaw lang aminin ni Rufa Mae.

    Paano na ang bahay na ipinatayo ng kanyang dyo-wa sa San Francisco, California na dapat sana ay titirhan nila kapag nakasal na sila?

    Hindi naman nakitaan ng kalungkutan si Rufa Mae dahil nandiyan naman ang mga kaibigan niya sa Bubble Gang na laging nakasuporta at nagbibigay ng payo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here