Would you believe, Rudy just came home for a short vacation and to celebrate his birthday here.
“Itinaon ko talaga ang bakasyon ko para naman maimbita ko yung mga long time friends ko, I really miss them,” sabi ni Rudy sa aming interview sa kanya.
Dumating sa kanyang celebration ang mga celebrities gaya nina Direk Maryo Delos Reyes, Odette Khan, Masculados , Lola Divas at iba pang importanteng tao.
“Magastos pero nakatataba ng puso, this is one day I shal1never forget. Pag-uwi ko sa San Francisco, babaunin ko ang masayang ala-alang ito.”
Rudy Jackson is a success of sort now that he is retired sa kanyang work. He had been working at a government hospital in the US kaya ang laki ng kanyang Federal retirement benifits.
“Puwede na akong mabuhay nang pabalik-balik na lang dito, sapat na yung retirement ko,” sabi pa niya.
By the way, nagpakitang-gilas si Rudy sa pamamagitan ng isang impersonation act.
“Binhisan ako ng mga Lola Diva kaya ginawa ko yung act ni Shirley Bassey. Dati na naman akong nagla-Liza Minneli kaya kaya ko talaga,” sabi pa niya.