Home Headlines RT-PCR test sa merchant marine cadets hiniling

RT-PCR test sa merchant marine cadets hiniling

785
0
SHARE

SAN NARCISO, Zambales — Hiniling ng inter-agency task force on Covid-19 ng bayang ito sa pamunuan ng Philippine Merchant Marine Academy na bago nila tanggapin ang mga kadete ay kinakailangang sumailalim muna ang mga ito sa sa RT-PCR test sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Sa sulat na ipinadala nina municipal health office-IATF chairperson on health Dr. Rodil A. Sy-Santos, at municipal disaster risk and management o-IATF chairperson on operation Ariel M. Lusabia kay PMMA superintendent Commodore Joey Y. Abutal, nakasaad dito na bago tanggapin sa PMMA ang isang kadete ay sumailalim na dapat sa RT-PCR test sa loob ng 72 oras upang sa ganun ay maiwasan ang pakikipagsiksikan sa mga ng mga pasyenteng sumasailalim din sa kaparehong swab testing sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba.

Ang kahilingan ay dahil na rin sa pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa mga kadete ng PMMA na nitong Huwebes lamang ay nakapagtala ng pitong bagong kaso, ayon sa sulat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here