Roxanne Guinoo hina-high blood kapag nabubuksan sa usapan sina Jake Cuenca at Bea Alonzo

    602
    0
    SHARE

    Iritable si Roxanne kapag nakukulit siya sa past issue nila nina Jake Cuenca at Bea Alonzo.  Halos barahin na ni Roxanne ang mga kausap niya at lagging nagsasabing, iba na lang daw ang pag-usapan.

    “Ba’t ba’ng mga taong ‘yan ang pinag-uusapan natin, ‘wag na lang, meron pa naming ibang issues, hindi ba,” sabi pa ni Roxanne sa ilang reporter nang makaharap nila ito kailan lang.

    Pero magulo rin naman si Roxanne kapag si Carlo Aquino naman ang topic. Wala ring mapiga sa kanya. While she insists na okay sa kanya si Carlo na panay din ang halleluyah niya rito, sumasabay naman ang denial na kesyo hindi naman daw ito nanliligaw sa kanya gayung alam naman ng lahat na talagang may unawaan na sila.

    Kunsabagay, ganyan din naman si Roxanne nang ibang mga lalaki ang na-link sa kanya. Deny nang deny pero sa banding huli, gaya ng  kanila ni Jake, kung kailan nagkaroon ng malaking diperensya, saka pa lumabas ang totoo.

    Well, sana naman, masanay na si Roxanne sa buhay showbiz. Ilang taon na rin naman siya rito, kaya dapat na siyang matutong magsabi ng totoo. Ayan tuloy, walang gustong makisimpatya sa kanya. Iniwan na siya’t lahat ni Jake for a much more beautiful woman like Bea Alonzo, siya pa ang nagmukhang adelatado at kontrabida.

    Sinungaling kasi si Roxanne Guinoo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here