Roxanne Guinoo forever starlet

    342
    0
    SHARE
    Hindi kami magtataka kung sa pagiging starlet level lang ay malaos na si Roxanne Guinoo. Dapat sana ay big star na’ng mahaderang aktres-aktresan kung hindi nagging pasaway ito. Kung anik-anik ang drama niya sa buhay na halos lahat ng mga nakatrabaho niya ay di niya makasundo. Sobrang ilusyunasa si Roxanne kaya ayan, zero’ng career prospect niya sa ngayon. Except yung Everybody Hapi sa TVC 5 na hindi naman siya lead dahil supporting lang ng mga komedyante at ni John Estrada, wala nang puwedeng ituro pang trabaho.

    And did you know na dapat pala ay kasama si Roxanne sa Bud Brothers pero nang malaman niyang may sex scene siya sa isang baguhang male starlet, umatras daw ito.

    Pinapalabas na ngayon ang episode nina Kaye Abad at ang baguhang si Guji Lorenzana sa Precious Hearts Romances featuring the Bud Brothers.

    Dito nga di natuloy si Roxanne Guinoo dahil sa pagtanggi sa love scenes na gagawin sana nila ni Guji dito.

    Buti naman at mukhang hindi affected si Guji sa nangyari at nagpasalamat ito na nairaos din ang kanyang episode kahit paano.

    Isang stage actor at recording artist si Guji.

    Kasama siya sa West Side Story nina Karylle at Christian Bautista last year.

    He’s also a commercial model (Fundador, Clusivol, Jollibee) at miyembro rin ng Star Magic Batch 16.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here