Pagkatapos ng matagal-tagal ding pamamahinga sa telebisiyon, mapapanood muli sa Primetime Bida ng ABS-CBN si Roxanne Guinoo via Florinda. Actually, mahigit isang taon nang tapos ang Florinda, na pinagbibidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, pero sa September 7 pa lang ito ipalalabas. Ganito rin halos katagal nawala sa paggawa ng mga teleserye si Roxanne.
“Sa industriya naman nating ito, hindi naman lahat ng artista dito sa Dos sunud-sunod ang trabaho. May times talaga na namamahinga ka. Ibang group naman, ibang artista naman ang bibigyan ng chance at ng mga projects. Ako naman, hindi ako namimili ng trabaho. Pero alam ko ang trabaho na nababagay sa akin at hindi dahil sa issue na may attitude problem ako. Hindi totoo yun. Alam ko na ito uli yung magbubukas ng pinto uli sa akin,” saad ni Roxanne. Bukod kina Maricel at Roxanne, kasama rin sa cast ng Florinda sina Cherry Pie Picache, Nikki Gil, at Zanjoe Marudo. Ito ay TV remake ng 1973 horror movie ni Susan Roces.
Dahil tungkol sa multo ang tema ng Florinda, naitanong kay Roxanne kung personally ba ay naniniwala siya sa multo?
“Hindi lang ako naniniwala sa multo na supernatural, kahit yung tao na kaharap mo, puwedeng kang multuhin. Na-experience ko na yun, para akong minulto. Mas nakakatakot yung mga tao na alam mong hinihila kang pababa,” makahulugang sabi ni Roxanne.
Tinanong si Roxanne kung hindi ba siya kinabahan o na-pressure na ang Diamond Star ang katrabaho niya, na kilala na laging Take 1 sa mga eksenang ginagawa niya?
“Masaya yung feeling, knowing Diamond Star yung katrabaho mo,” sabi ni Roxanne patungkol kay Maricel. “Malaking pressure talaga kasi kailangan mong makipagsabayan sa acting para huwag kang mawala. Ang dami rin naming natutuhan kahit nahirapan kami during the taping days namin. Ang dami niyang itinuro sa amin in terms of acting, lahat-lahat, kung paano ka maging professional na artista.
“May mga bagay din kasi na kahit nahirapan kami, may mga magagandang bagay naman na natutuhan kami. Hindi naman nawawala sa eksena na nagkakamali ka, so sa eksena, give and take. And si Tita Marya, bilang professional na artista, magkamali ka man, tinatanggap niya and with that, tinutulungan niya kami kung paano mo mae-execute yung eksena na yun.
“Gustung-gusto mong umarte, pero napi-presure ka. Kahit alam mong tama, pero dahil sa pressure mo, namamali ka tuloy. Nangyayari yun talaga. But with Tita Marya, sinasalo ka niya. Hindi niya hahayaan na yung eksena na siya lang ang aangat. ‘Pag nakikita niya na lumulubog ka sa eksena, hihilahin ka niya pataas at yun ang totoong aktres.”
Isa sa eksenang naging kapansin-pansin sa teaser ng Florinda ay ang confrontation scene at malakas na pagsampal ni Maricel kay Roxanne.
“Hindi lang ako nasampal, napangahan ako!” natatawang kuwento ni Roxanne. “Parang 30 minutes na namanhid yung pisngi ko. Niyakap ako ni Tita Marya after that take and naging close kami after the last day na. Dun kami nagkaroon ng chance para makapag-usap. And up to now, in touch pa rin kami kay Tita Marya.”
Pero sa ginanap na presscon para sa Florinda kagabi ay wala si Maricel dahil para lang daw yun kina Roxanne at Nikki Gil.
Sa nasabing mini-presscon para sa Florinda ay nabuksan uli ang issue na tinanggihan daw ni Roxanne na makatrabaho ang singer-actor na si Guji Lorenzana sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers. Ayon sa mga lumabas na report, bukod daw sa baguhan si Guji ay ayaw raw ni Roxanne na magkaroon ng kissing scene at bed scene dito na nagawa na naman daw noon ng aktres.
Paliwanag ni Roxanne, “Yung istorya ng Bud Brothers—na hanggang ngayon ay hindi pa patay ang issue—kami ang nagkaintindihan ng manager ko, si Mr. M [Johnny Manahan], Ms. Mariole [Alberto] about it. Hindi lang ako ang nagkamali sa nangyari. Naibigay sa akin yung script the day before the taping, dun ko pa lang nabasa yung buong istorya. Walang problema kung sa soap ko ito gagawin. Alam ko na hindi hahayaan nina Tita Mariole na gawin ko ito sa isang project na sa mabilis na panahon lang.
“Yung kissing scene, nagawa ko na yun before, wala naman akong problema. Pero yung issue na bed scene-bed scene na ‘yan, nagawa ko lang ‘yan sa MMK [Maalaala Mo Kaya] at kay Jake [Cuenca] yun, knowing na ex ko si Jake. Walang naging problema dahil kumportable ako sa kanya. Sa akin lang, sana patayin na ang isyung ito,” pakiusap pa ng aktres.
Naging emosyunal naman si Roxanne nang tanungin sa kanya ang isyu na pasaway raw kasi siya, kaya matagal bago siya nabigyan ng project uli. Naging mainit ang pagpapaliwang ni Roxanne sa isyung ito, lalo’t lumalim na ang usapan tungkol sa krediblidad at pagde-deny ng mga artista sa mga isyu na kinasasangkutan nila.
Aniya, “Alam ninyo, hindi lang laging artista ang pasaway. Aminin ninyo na kahit kayo [entertainment writers] , pasaway rin minsan. Siguro, kaya kami nakakasagot ng ganun, na parang sa inyo ay hindi tama, dahil nasasaktan din kami sa mga ina-accuse sa amin na hindi naman totoo.
“Kung may natamaan man ako, natamaan din ako. Tao lang din ako, nasasaktan. Pero hindi ako sinanay ng magulang ko na maging bastos para maging ganun ako magsalita. Siguro kung nakikita n’yo man ako na nagiging emosyunal, na malungkot, yun ako, hindi ko makokontrol yun. Kahit gusto ko mang i-defend ang sarili ko, para ano pa? Ako, nagpapaliwanag lang ako. Kung ite-take ninyo in a negative way, kayo na ang bahala dun. Pero hindi ko ugaling mambastos nang harap-harapan,” paliwanag ni Roxanne.