Rotary feeds kids

    478
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales —May 30 mga batang mag-aaral mula sa Manggahan ll Day Care Center ang pinagkalooban ng pagkain sa paglulunsad ng supplemental feeding project sa Manggahan Resettlement Area sa bayang ito.

    Ang proyekto ay magkatuwang na inilunsad ng Rotary Club of Subic, UMICOR, Specialty Chemicals Subic, Inc., Subic Municipal Hall at Brangay Manggahan.

    Ayon kay Benjie Portacio, pangulo ng Rotary Club of Subic, ito na ang pangalawang beses ngayong 2009 na pagsasagawa ng feeding program ng Rotary at marami pang naka-schedule sa mga depressed areas.

    “Isa itong major concern ng Rotary ang mabigyan ng lunas ang gutom at mabigyan ng malinis na tubig na maiinom ang mga kabataan upang mapanatili ang kanilang kalusugan habang sila ay nag-aaral”, ani Portacio.

    Idinugtong pa ni Portacio na ang pondong ginagamit sa pagsasagawa ng mga programang tulad ng feeding program ay nagmumula sa pondong nakalaan sa proyekto ng Rotary Club of Subic.

    Sa naging mensahe ni 1st District Zambales Board Member, Jay Khonghun na isa rin sa mga miyembro ng Rotary Club of Subic, nanawagan ito sa mga guro at magulang na dapat magtulungan para maging malusog ang mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansiyang pagkain.

    Idinagdag pa ni Khonghun na sa pamamagitan ng masustansiyang pagkain matutulungan natin na makaiwas sa malnutrition ang mga kabataan at magiging masigla ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

    Nauna ng namahagi ang Rotary Club of Subic ng water pump para magamit na igiban ng mga residente  ng Sitio Tamayoc, Barangay Baraca, Subic, Zambales.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here