Noon pa yung mga kuwentong lagging nakikita sina Rochelle Pangilinan at ang BF niyang pinsan ni Dingdong Dantes sa iba’t ibang malls na namimili ng mga mamahaling gamit. Lagi na, si Rochelle ang dumudukot sa pitaka upang bayaran ang bungkos ng mga pinamili nila ng kasama niyang lalaki. Noong una nga, na-blind item pa silang dalawa habang namimili sa isang mall sa banding Mandaluyong, anang source, tatlong pares na mamahaling sapatos ang binili ni Rochelle para sa kasintahan. This was at a time na nagde-deny pa si Rochelle na silang dalawa na nga.
Nasundan pa ang maraming tanawin ng pagsya-shopping ng dalawa at kung tutuusin, very reliable sources naman ang nagbabalita nito. True na talagang si Rochelle ang nagbabayad sa pinamimili ng nobyo niya.
Ewan lang kung pati kotseng ginagamit ng lalaki ay si Rochelle din ang naghuhulog, sampu ng condo’ng tinitirahan nito.
Payo lang kay Rochelle, maanong gumising na siya sa katotohahang marami naming lalaki ang gagastos sa kanya, kung bakit itong lalaking di marunong magbayad ang natapat sa kanya.
Hoy gising!
Samantala, diretsahang itinanggi ni Rochelle Pangilinan ang isyu na isa na siyang sugar mommy. Hindi pa raw nangyari kailanman na siya ang gumagastos sa lalaki.
“Ito ba namang beauty ko ang magiging sugar mommy? Hindi ako desperada sa lalaki. Maraming lalaking naghahabol sa akin, sa totoo lang,” sambit pa niya.
Samantala, pagod lagi sa taping ng Amaya si Rochelle lalo pa tuwing may mga fight scene na kinukunan. Pero thankful siya dahil may trabaho siya kahit papaano.
Sa Bolinao, Pangasinan nagte-taping ang cast ng Amaya na pinangungunahan ni Marian Rivera.
So there!