Home Headlines Robotic alcohol dispenser naimbento ng guro

Robotic alcohol dispenser naimbento ng guro

1151
0
SHARE

BOCAUE, Bulacan —- Isang guro ang nakaimbento ng alcohol robotics o automated alcohol dispenser at inilagay sa ilang pampublikong lugar upang magamit kontra sa pagkalat ng Covid-19.

Hindi na magsasalin o magpe-press ang isang nais maglagay ng alcohol sa kamay dahil sa infrared sensor na automatikong maglalabas ng alcohol.


Ang mga alcohol robotics ay ginawa ni Beryl Cruz, guro sa Dr. Yanga College.

Ayon kay Cruz naisip niya na gumawa ng dispenser upang makatulong sa mga kababayan na madaling makapaglagay ng alcohol sa kamay at hindi na hahawakan pa.

Ito ay pinapagana ng kuryente at may sensor na kung itatapat ang kamay ay kusa nang maglalabas ng alcohol.

Umabot lamang ng dalawang araw bago niya nabuo ang limang dispenser na inilagay sa munisipyo, palengke, ospital, at ilang matataong lugar.

Wala naman daw balak na ibenta ni Cruz sa ngayon ang kaniyang imbensyon na layunin lang na makatulong sa publiko kontra Covid-19.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here