Robin Padilla walang pagkukulang sa mga anak

    381
    0
    SHARE
    Naging kontroberysal yung pagpa-interview ni Liezl Sicangco tungkol sa di umano’y pagpapabaya ni Robin sa kanyang mga anak. Pero nanatiling di kumibo si |Robin dahil ayaw na niyang mas lumaki pa’ng isyu.

    Pero ayan, heto at nagsalita rin ng kanyang panig si Robin. Tumulong din sa paglilinaw ang ilang kaibigan ni Binoe sa industrya. Sa ngayon, malinaw na ‘yung isyu at di na siguro kailangan pang magsalita pa ni Robin.

    Heto ang kanyang maikling mensahe, na ipinaabot sa pamamagitan ng kanyang manager na si Betchay Vidanes: “Ang RAMADAN ay buwan ng pag-aayuno, pagpapatawad at pagmamahal. Ako ay nakikiisa sa Islam sa pagbibigay halaga sa mga INA. Sapagkat ang  PARAISO ay nasa paanan lamang ng mga INA. Kaya’t ako mismo ang kakausap sa aking mga anak na umuwi na sa kanilang ina. Kung ako man ay may pagkukulang bilang ama, ako’y humihingi ng tawad sa Allah, ni Liezl at mga bata.”

    Bagamat mapayapa ang tono ng pahayag ng action star sa mga tinuran ni Liezl kung saan sinabi nitong babawiin niya kay Robin ang bunsong anak na si Ali, taliwas naman ito sa reaksiyon ng ilang taong malapit sa Kapamilya host.

    Sa isang panayam sa Quezon City, isang source ang ang nagkuwento sa writer na ito na desisyon ng tatlong bata—sina Queenie, Kylie at Ali—na manatili dito sa bansa.

    Aniya, “Mas gusto nilang kasama ang daddy nila.”

    Tungkol sa umano’y hindi pagpasok ng 10-taong-gulang na bunso nina Robin at Liezl sa eskuwela, wala raw katotohanan ito, ang pagtatanggol ng source. Sa katunayan, hatid-sundo pa raw ni Binoe (palayaw ni Robin) ang anak sa eskuwelahan sa Greenhills kung saan Grade 4 ito, at isinasama sa set ng Pilipinas, Win na Win!

    Paano raw magiging iresponsableng ama si Robin samantalang kahit hindi nga niya kadugo ay tinutulungan daw nito, kasama na raw dito ang mga maliliit na manggagawa na kung minamaltrato ay ikinagagalit daw niya.

    Naikuwento rin ng aming kausap na kahit nasa poder ni Liezl si Zhenzhen, ang pangatlo nilang anak, ay pinapadalhan daw ito ni Robin ng allowance na US$2,500 dahil yun daw ang karampatang sustento na isinaad sa batas ng Australia.

    Tungkol naman sa unang sinabi ni Liezl na mas maraming panahon na ibinibigay si Robin sa napapabalitang girlfriend nito na si Mariel Rodriguez kaysa kay Ali, ang kuwento ng source:
    “May panahong nagkasakit si Mariel at siyempre, bilang mangingibig, inalagaan niya si Mariel nung time na yun. Pero nagkikita sila ni Ali at hindi totoong ipinaubaya na lang sa mga driver at katulong.”

    Saad pa niya, “Ang point ba diyan, wala bang bata na  hindi nalulungkot pag wala ang nanay niya?”

    Naikuwento rin ng aming kausap na yung 1.2 million pesos na diamond ring na regalo ni Binoe kay Mariel ay maliit na halaga kumpara sa ibinigay ng action star sa dating asawa.

    Aniya, “Binigyan naman si Liezl ng almost P2 million na lupa sa Pampanga. Yung tatlong bahay sa Australia na worth P100 million, ibinigay na rin sa kanya. Ano pa bang hahabulin niya kay Robin? Siya ang naunang nagpakasal sa isang New Zealander noong September 19, 2009? Kung magmahal man si Robin ngayon, nauna naman siya.”

    Sa ngayon, “nasa proseso ang annulment nila sa ‘Pinas,” ang sabi ng source. Sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa noong 1996 sila ikinasal, habang nakakulong si Robin for illegal possession of firearms. Gaya ng sinabi rin ni Liezl, aprubado na yung divorce nila ni Robin sa Gold Coast, Australia, kung  saan ikinasal sila sa isang mosque noon.

    Bilang panghuli, nilinaw din ng source na hindi nagsasama sa iisang bubong sina Robin at Mariel.

    “Inalagaan lang niya si Mariel nung may sakit ito. Papayag ba naman ang pamilya ni Mariel, e, napaka-conservative nun. Takot lang ni Mariel kay Boy [Abunda, manager niya],” saad pa niya.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here