Robin Padilla mawawala sa Pilipinas Win Na Win

    295
    0
    SHARE
    Kasisimula pa lang ni Robin Padilla sa Pilipinas Win Na Win, bakasyon engrande na siya.

    Hindi kaya ito makaapekto sa rating ng naturang noontime show?

    Starting Monday, pansamantalang hindi mapapanood si Robin Padilla sa Pilipinas, Win na Win.

    Two weeks siyang mawawala at sa September 15 pa siya babalik sa nasabing noontime show.

    Ito ay dahil kailangan ni Binoe na i-observe ang Ramadan ng mga Muslim.

    Ipinagpaalam na ito noon pa ni Binoe sa ABS-CBN management at pinayagan naman daw ang action star-tv host dahil hindi naman puwedeng hindi ito makiisa sa importanteng religious event ng mga Muslim.

    Wala pa kaming balita kung may papalit kay Binoe sa PWW habang wala siya.



    Di man sinasadya, nasama kami sa grupong dumalw kay Iloilo Representative Buboy Syjuco. Nahila kami ng isang kasamahan sa showbiz at ditto nga naming nakaharap ang datingTESDA director.

    Maraming topic ang napag-usapan pero interesante nga yung mga kontrobersya sa TESDA sa ngayon. Pinalalabas daw kasi ng bagong pamunuan ng TESDA na may mga katiwalian siyang ginawa nung panahong siya pa’ng naroon.

    Kami mismo, we know for a fact na maraming nangyaring maganda sa TESDA sa panahong nakaupo si Congressman sa posisyon. Sa panahong kasing ito kami nakadalo sa isang convention sa Baguio City tungkol sa isang malaking project ng TESDA and from what we saw, napakaganda nga ng mga program.

    Anyway, naniniwala rin kaming kailanngan ng TESDA ng sambayanan. Sa rami ng mga publisidades ng ahensiya, ito ay isang achievement na. Aba, sa rami ng mga nagging proyekto ng gobyerno, isa ito sa sikat sa publiko, hindi ba Purificacion Espiritu?

    “Marketing man kasi ako, yan ang puwede kong ipagmalaki,”sabi pa sa amin ni Cong. Syjuco.  “If they say na wala akong nagawa sa term ko, bahala sila. Pero higitan sana nila o ipagpatuloy yung mga nagawa ko,”sabi pang nakangiti nito.

    So there!  

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here