Robin Padilla, Bebe Gandanghari nagkita na

    426
    0
    SHARE
    Nagwakas na rin yung matagal na usap-usapan na kesyo ayaw pang makita ni Pobin Padilla’ng kanyang kapatid na si Rustom bilang Bebe Gandanghari. Di raw kasi matanggap ni Robin na may bakla sa kanilang pamilya.

    So far, ganyan din more or less ang nagging pahayag di umano ng iba pang mga kapatid ni Bebe at dito ay kasama pa’ng inang si Eva Padilla.

    Pero nagkita na sina Robin at Bebe. Ayos na raw ang kanilang encounter sabi pa mismo ni Robin Padilla sa kanyang mga interviews of late.

    Kinumpirma ni Robin na nagkita na sila kamakailan ni BB.

    “Oo, oo, may malungkot na nangyari kasi sa pamilya namin. Namatay yung isang pamangkin namin. Ang importante ay nandodoon siya,” sambit ni Robin.

    Sinabi rin ni Robin na medyo nanibago siya sa hitsura ngayon ng dating matinee idol na kapatid.

    “Medyo tinitingnan-tingnan ko siya. Pero iba na talaga,” aniya.

    Pero ayon kay Robin, hindi raw mahirap para sa kanya na tanggapin ang naging desisyon ni BB.

    “Hindi naman puwedeng hindi matatanggap ‘yan. Kasi umiiral yung pagmamahal sa kapatid. Kung saan siya masaya, masaya tayong lahat.”

    Nakikita ba niya na ganito rin ang mararamdaman ng isa pa nilang kapatid na si Royette, na nabalita pa noon na talagang hindi matanggap si BB?

    “Oo naman, tanggap niya. Nagkausap na sila. Nagkaiyakan na sila. Ayos na,” pagbabalita ni Robin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here