‘Roaming politician?’

    344
    0
    SHARE

    KAGABI, habang ako ay nagsusulat
    ng ‘script’ para sa pang-tanghalang labas
    na ‘sideline’ ko bilang isang manunulat,
    ‘an unexpected call makes my silence disturbed’

    At ang pambungad na bati, “Mr. Garcia?”
    “Yes, speaking” I said, “hello, sino sila?”
    “Isa sa masugid mong reader”, aniya;
    “Anong maipaglingkod ko po sa kanila?”

    “Galit yata kayo kay Senador Lapid?”
    “Hindi sir, ba’t naman ako magagalit?”
    “Nabasa ko ang kolum nyo nitong Lunes,
    na sa kanya’y medyo may halong pilantik”

    Ang sagot ko, hindi at ako ay walang
    personal na galit sa taong naturan;
    kundi ang akin ay kuro-kuro lamang
    at di paninira sa kanyang pangalan.

    Matapos masagot ang iba pang tanong,
    ang mama ay kusang nagbaba ng celpon,
    at ni hindi ko na nakuhang itanong
    sa kanya kung taga saan ang taong ‘yon.

    At kung tumagal ang aming pag-uusap,
    lalo’t kung personal kaming nagkaharap,
    ganito marahil sa taong tumawag
    ang katanungan na aking idadagdag:

    Sa 12 years na pagka-upo ng mag-ama
    bilang gobernador ng ating probinsya,
    may maituturo po ba kaya sila
    na nagawa para dito sa Pampanga?

    Kung sila ma’y walang ginawang masama
    ay wala rin yatang magandang ginawa,
    liban nang pumutok ang bulkan ng bigla,
    ang matandang Lapid nag-‘Stuntman’ yata

    Nang sa helicopter ito’y naglambitin
    upang ang isang matanda ay sagipin
    sa kumukulong lahar na paparating,
    na tiyakang ikasawi kung anurin.

    Pero pinsala man itong idinulot
    ng Mt. Pinatubo nang ito’y pumutok,
    malaking kuarta rin itong ipinasok
    kung nabantayan at nalagay sa ayos

    Ang proseso’t mga tamang pamalakad
    nang sila itong sa Capitol may hawak,
    kaya lang dahil sa parehong masipag
    sa pagliban n’yan sa pasok nila dapat

    Sa tanggapan nila nang panahong iyon
    ay di nila syempre lubos ma-monitor
    kung ‘200 thousand’ lang o isang milyon
    ang kita sa ‘quarry’ sa buong maghapon.

    Di ko sinasabing posibleng kinupit
    ng kahit sino o ng mag-amang Lapid
    ang kita sa lahar – pero ano’t higit
    nang si Gob Panlilio ang kay Mark pumalit?

    Mantakin mo namang ang ‘one month collection’
    nang sina Lapid ang nandiyan sa Capitol
    ay kita para sa ‘one day’ lamang noon
    ng naging popular na ‘priest-turned-governor’

    At lalong lumaki yata ang koleksyon
    sa naturang mina ng probinsya ngayon
    nitong si “Nanay” ang naging Gobernador
    bilang kahalili ng ating si Among.

    Sa puntong nasabi ano ang dahilan
    kung bakit palipat-lipat ng tirahan
    si Lito Lapid kung di sa pagnanasang
    manatili siya na may katungkulan?

    (At Angeles city ang target ngayon niyan
    Matapos niyang sa Makati sumemplang?!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here