Muling rerebisahin ng Kongreso ang panukalang right of reply bill na inakda ni Congressman Monico Puentevella ng Bacolod.
Ito ay dahil sa malawakang reklamo ng mga mamamahayag sa bansa laban sa nasabing panukalang batas na itinuturing na labas sa Konstitusyon na nagbibigay ng garantiya sa kalayaang magpahayag at malayang pamamahayag. Maliwanag na bawi ito!
Para sa mga mamamahayag iisa lamang ang dahilan ng urong-sulong na takbo ng nasabing panukalang batas sa Kongreso.
Hindi raw muna kinosulta ang mga mamamahayag o nagsagawa ng konsultasyon ng Kongreso hinggil dito. Laban kami diyan!
Ang pagsasagawa ng mga konsultasyon ay isang bahagi ng paghubog ng batas.
Kung walang konsultasyon, butas ang batas na mapagtitibay. Aba, dapat bawiin!
May mga nagsasabing dapat munang pagtibayin ang nasabing panukalang batas upang makita kung ito ay totoo susupil sa malayang pamamahayag katulad ng pananaw ng mga mamamahayag.
Delikadong panukala iyan. Iyan ay nakakahalintulad lamang ng toothpaste na kapag iyong piniga mula sa tube at lumabas, mahirap ng ibalik muli. Sige, bawiin na!
Isa halimbawa ay ang oil deregulation law na ngayon ay ipinababasura.
Iyan ang isang halimbawa ng batas na pinagtibay, katulad ng tootpaste na piniga at lumabas sa tube. Mahirap talagang bawiin!
Ganyan din ang panukala ng ilang Kongresista at Senador hinggil sa pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant na kinatatakutan dahil sa diumanoy maraming sira bukod pa sa hindi malaman kung saan dadalhin ang nuclear waste.
Sabi pa ni Senador Juan Ponce Enrile, hayaan na lang natin sa mga eksperto ang problema ng nuclear waste, for the meantime buksan muna natin para masubukan. Naku, lalabanan kayo diyan!
Sus, paano kung magkatotoo ang pangamba na mga tao na magkaroon ng leak ang BNPP tulad ng nangyari sa Chernobyl sa Russia at Mile Long Island sa Amerika?
Maibabalik pa ba ang ba ang buhat na kikitlin ng BNPP? Kaya dapat bawiin!
Plano ng mga kasapi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Pampanga Chapter na magsagawa ng isang kilos protesta laban sa right of reply bill.
Ito ay isa lamang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga mamamahayag. Tutol kami sa right of reply bill. Ah, laban ito!
Tentatively, itinakda naman ng NUJP-Bulacan, Central Luzon Press Council at Bulacan State University ang pagsasagawa ng isang forum hinggil sa right of reply bill sa nasabing pamantasan sa Marso 20.
Inaasahang ipaliliwanag sa nasabing forum ng mga opisyal ng NUJP, CLPC, Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at Philippine Press Institute (PPI) ang maaring epekto ng right of reply bill sa mga campus publications at campus journalists. Laban din ito!
Hindi pa kasi naipapaliwanag ang right of reply bill sa mga campus journalists.
Kaya hindi nila alam na sakop din sila ng nasabing batas. Ignorance of the law excuses no one. Mahirap bumawi diyan!
Yung mga nagsusulat sa mga newsletter diyan, huwag kayong pangit-ngit, kasali din kayo.
Kaya join na kayo sa March 20. Walang bawian, ha!