Rider patay sa Comelec checkpoint

    645
    0
    SHARE
    SAN JOSE CITY – Patay ang backrider ng isang single na motorsiklo samantalang nakatakas ang nagmamaneho nito matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Camanacsacan sa lungsod na ito nitong Miyerkules ng madaling araw.

    Ayon kay Senior Supt. Manuel Cornel, direktor ng Nueva Ecija police provincial office, nagsasagawa ng Comelec (Commission on Elections) checkpoint ang mga operatiba ng San Jose City police nang pahintuin ng mga ito ang mga nakamotorsiklong suspek bandang alas-4 ng umaga.

    Ngunit sa halip na huminto ay mabilis umanong bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis.

    Napilitan aniyang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng backrider samantalang nakatakas ang driver.

    Nabawi ng mga pulis sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang .38 pistola, ayon kay Cornel, samantalang isinasagawa ang follow-up operation para sa posibleng pagdakip sa tumakas na driver.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here