Home Headlines Rider, angkas patay sa aksidente

Rider, angkas patay sa aksidente

578
0
SHARE

MARIVELES, Bataan — Patay ang rider at ang kanyang ka-angkas nang sumalpok sa concrete barrier ng kalsada ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng Mariveles–Bagac Road sa Barangay Biaan, Mariveles pasado alas-12 ng tanghali nitong Linggo, July 2. 

Batay sa ulat ng pulisya, idineklara ng sumaklolong rescue medics ng Mariveles na dead on the spot ang backride samantalang namatay ang rider habang ginagamot  sa Mariveles District Hospital dahil sa tinamo ng mga ito na head at body injuries.

Sinasabi sa report na galing sa Barangay Paysawan, Bagac at papuntang Barangay Biaan ang motorsiklo nang diumano’y mawalan ng kontrol sa kurbadang bahagi ng kalsada, dumulas at bumangga sa concrete barrier.

Sa tindi ng pagkabangga, tumilapon ang dalawang biktima mula sa kanilang motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here