Richard Gutierrez, KC Concepcion magkarelasyon na

    387
    0
    SHARE
    Sa una pa lang nilang pagtatambal, ‘yung movie na For The First Time ng Star Cinema, marami na ang humuhulang silang dalawa na ang magiging magkarelasyon. Ang tinutukoy ay sina Richard Gutierrez at KC Concepcion na talaga namang bagay na bagay.  Bigla kasing nawala sa buhay ni Richard ‘yung socialite niyang gf na si Georgina Wilson at kay KC naman ay wala nang na-link pang iba.

    Kaya nga ngayong bida sila sa GMA 7 movie na When I Met You, ayan at lumalabas na rin ang katotohanan tungkol sa kanilang relayson.

    “What you see is what you get,” ang pabirong linya ni Richard kapag tinutukso siya.  “Hindi pa ba sapat ‘yung nakiktia ninyo kaming very close? Like I was telling you  people, noon pa, KC is the perfect girl for any man.  At alam naman siguro ninyong boto sa kanya ang pamilya ko kaya wala namang problema kung kaming dalawa na nga. Masuwerte ang sinumang lalaki, lalo na kung makatutuluyan niya si KC. Ako, I consider myself very lucky dahil sa rami ng mga lalaking puwede niayng maging leadingman, ako pa’ng napisil nila. At si KC, alam kong very close ako sa kanya kaya talagang doble ang suwerte ko,” sagot pa ni Richard sa maraming tanong sa kanya tungkol sa totoong relasyon nila ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

    Kapag si KC naman, halos ganoon din ang sagot niya. Hindi nga lang niya diretsong masabi kung talagang sila na nga pero kung aanalisahin ang lagi niyang sinasabing ok si Richard, ‘yun ay patunay na sila na nga.

    Sana, sila na talaga. Bagay na bagay kasi sila.

    Hindi ba, Jun Lalin?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here