Richard Gutierrez ‘di mukhang salapi

    437
    0
    SHARE
    Punumpuno ng pagmamalaki si Annebelle Rama when speaking about his son Richard Gutierrez. Sabagay, ganun naman talaga si Bisaya, laging may mga bagay na ipinagmamalaki tungkol sa mga anak niya. Si Annabelle kasi, nakikita agad ang kabutihan sa puso sa mga anak niya. Kung minsan, para ma-stress ang kanyang point para lalong mapabuti ang mga anak, mismong sarili na ni Annabelle ang sinisiraan niya, sa tonong parang nagbibiro lang. Like sinabi ni Bisaya na hindi mukang pera ang anak niyang si Richard. Kung ginusto lang daw nito, malaking pera ang makukuha nito sa kasong isinampa nito laban sa Philippine Entertainment Portal pero mas pinili nitong patawarin na lang ang mga nagkasala sa kanya.

    “Ang daming nag-advise sa kanyang ituloy ang demanda para makakulekta siya ng damages as he has a good chance of winning but he made true his promise na mag-apologize lang ang PEP, di na niya itutuloy,” pagliliwanag ni Annabelle Rama. “Hindi talaga mukhang pera ang anak ko. Hindi nagmana sa ‘kin. Gusto lang niya talagang ma-clear ang name niya. Ayan nga, mag-a-attend na kami sa anniversary party ng Yes Magazine ni Jo-ann Maglipon to show na forgive and forget na siya.”

    Still on Richard G, siya at si Heart Evangelista had their last taping day for “Full House” last Friday.   Magwawakas na sa Biyernes ang naturang telesoap. “Maraming fans ang nagri-request na i-extend pa sana ito,” sabi ni Chard. “Pero hanggang doon na lang talaga ang story at bawal din sa contract with the Koreans na may extension.

    “Sa final week, my character Justin announces that he’s retiring from showbiz. He reconciles with his father, Ronaldo Valdez, but still can’t find it in his heart to tell Heart that he loves her. Sa ending, babalik ang story sa sequences that we shot in Prague at the Czech Republic shown at the start of the series.

    “Magandang-maganda ito so don’t miss it. Nandito ‘yung mahabang kissing scene namin na umikot ang camera ng 360 degrees, set in one of the most beautiful spots in Prague. ‘Full House’ will always be memorable for me as working on its set is so cheerful, walang stress kaya very refreshing talaga.”


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here