Richard Gutierrez, Cristine Reyes ‘di na masawata sa kanilang love affair

    350
    0
    SHARE
    Halos iisa ang opinion ng mga reporter sa pagpapakita ng sobrang sweetness nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes. Sa kanila, may halong gimik ang sa dalawa para nga sila pag-usapan. As if kulang pa raw ‘yung kontrobersya nila nang iligtas sa rumaragsang baha ni Richard ang kanyang leading lady.

    But it looks like,  the real thing na nga ang love affair ng dalawa. Lahat kasi ng senyales, nakikita na talaga’t hindi na sila mapipigilan na mai-in love na sila talaga.

    Nagtaka si Richard Gutierrez sa grand presscon ng Patient X kung bakit kumalat agad ang balitang nagpunta sila ng leading lady na si Cristine Reyes sa Subic last Wednesday.

    “Saan n’yo nalaman ’yan? Ang bilis naman ng balita,” sabi niya nang tanungin ni Lolit Solis.

    Umamin naman agad sina Chard at Cristine sa ginawang pag-a-out of town at ayon sa young actor, nag-unwind lang daw sila at hindi lang naman silang dalawa kundi marami sila’t kasama nila ang iba pa nilang friends.

    “Nag-jetski kami, nag-speedboat, nag-swim,” pahayag ni Chard.

    Sa Anvaya Cove Resort daw sila nagpunta at bumalik naman agad ng Manila that night, bandang 10 p.m.

    Habang kinakapanayam ng press sina Chard at Cristine na magkatabi, kapansin-pansin na nakahawak ang kamay nila sa lap ng isa’t isa kaya natanong sila kung ano ang ibig sabihin nu’n.

    “Support lang,” sabi ni Chard. “Sobrang comfortable lang kami isa’t isa,” dagdag pa ng young actor at biniro sila ng press na sobra nga talagang kumportable to the point na nasa legs na ni Cristine ang kamay niya. Natawa na lang ang young actor.

    Expected naman ni Chard na ili-link sila ni Cristine especially after ng pinagdaanan nila na nanganib pareho ang buhay nila sa bagyong si Ondoy nang i-rescue ng young actor ang leading lady sa bubong ng bahay nito sa Provident Village, Marikina City.

    “Mas naging deeper ang samahan namin at mas naging stronger ang friendship namin,” he said.

    Ganunpaman, ayaw magsalita ni Chard kung hanggang saan aabot ang friendship nila.

    “Ang importante, right now, we’re very happy and we’re focused sa movie.”

    Ang taas ng fear factor ng Patient X kahit trailer pa lang ang napapanood, parang gusto na ayaw mong panoorin dahil tiyak na nakakatakot, pero mas gusto mong mapanood para malaman kung bakit siya nakakatakot.

    By the way, birthday ni Ananblee Rama sa October 27 at ngayon pa lang, panay na ang imbita niya sa mga taong close sa kanya.

    This will be held at an exclusive restaurant in Greenhills. Will she be serving seafoods?

    May allergy nga si Annabelle sa seafood kaya itinatanong namin ito. “Naku, kinakati agad ako ‘pag nakakakain ng seafood.”  She’s also forbidden to eat pork but she can’t help herself when it comes to lechon Cebu. “Kinagagalitan nga ako ni Richard dahil kahit bawal sa’kin kinakain ko. So ang prayer ko sa birthday, bukod sa maging blockbuster sana ang ‘Patient X,” sana bigyan ako ni Lord lagi ng good health at mawala na ang allergies ko.”

    Samantala, natanong din si Chard kung ano ang birthday wish niya for his mom, Annabelle Rama.

    “Kay mommy, good health, sana, she takes care of her diet, proper food lang. I hope she’s always happy.”

    May birthday gift ba siya? “As of now, wala pa akong material thing na binibigay sa kanya as a gift, but I give her my love everyday. Pinapakita ko sa kanya na focused ako sa trabaho ko.”

    Sa October 28 na ang showing ng Patient X  nationwide. Pero magkakaroon ito ng premiere night sa October 25 sa Cinema 4 ng SM Manila.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here