Richard Gutierrez consistent sa pag-share ng blessing

    342
    0
    SHARE
    Hindi na kami nagulat dun sa papuri ng marami tungkol sa pagiging generous daw ng pamilya Gutiereez na ipinakita nang todo sa party ng Zorro kamakailan. Eversince naman kasi, kilala na’ng pamilyang ito pagdating sa pag-share ng kanilang blessings. Ilang Pasko na bang pinasasaya ni Annabelle Rama kasama ng kanyang mga talent at pamilya ang mga press at yung mga taong nakakatuwang nila sa tagumpay ng mga anak niya?

    As usual nga, maraming pinasaya si Richard Gutierrez sa farewell party ng Zorro. Almost 400 staff and crew kasama ang kani-kanilang pamilya na nakisaya sa maraming giveaways na ipinamigay ng aktor tulad ng Slim Tee Bench T-shirts, Gutz and Glory cologne, 15 na lechon Cebu, 10 kahong Emperador brandy at I-phones.

    Bukod sa mga bonggang giveaways, meron din daw music and mobile special lightings dahil may fashion show.

    Heto’t namigay pa raw ng kalahating milyong piso si Richard for the raffle. Ang P100,000 ay galing sa kanyang daddy Eddie Gutierrez, P20 thou from Elvis, P15 thou from Rocky, P15 thou from Ritchie Paul, at P50 thou mula sa kanyang controversial mother na si Ms. Annabelle Rama.

    Bukod daw sa P500,000 na pa-raffle, nagbigay din ang aktor ng P100,000 sa 25 staff members ng Zorro.

    “Walang umuwing luhaan, lahat may bitbit nang umuwi,” sabi ng malapit sa pamilya na present sa nasabing bonggang event.

    Christmas in July daw ang nasabing party bilang pasasalamat na rin ni Richard dahil nanatiling nasa No. 1 position sa GMA 7 ang kanyang matatapos na programang Zorro.

    “Lahat ng shows ni Chard and movies, ginagawa niya ito, parang sini-share niya ang suwerteng dumating sa buhay niya mula sa Mulawin days pa hanggang ngayon,” sabi pa ng isang malapit sa aktor.

    Kaya nga hindi raw nakapagtatakang maraming nagmamahal sa kanya, especially ang crew, dahil kahit walang okasyon basta’t maganda ang rating ng show nito, may limang lechon Cebu na dumarating sa set nila.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here