Richard Gutierrez bayani ni Cristine Reyes

    754
    0
    SHARE
    Wa keber si Richard Gutierrez kahti may mga intrigang ginagamit niya ang sakunang dulot ni Ondoy para sa promo ng Patient X na produced ng GMA  at ng kanyang RGutz Productions.
    Bakit nga naman niya iindahin ang mga intrigang ito kung sa kanyang sarili, true naman ang malinis niyang intention.

    Natatawa na lang ang aktor sa mga nag-iisip na promo ng Patient X  ang ginawa niya, hindi niya ibinuwis ang buhay para sa promo ng movie na next week pa magsisimula. Basta bagay kay Cristine ang role sa horror movie dahil refreshing, one of the hottest stars today, FHM sexiest at never pang nabibigyan ng big break sa pelikula.

    Pati nga yung pagtuloig ni Richard sa paglilinis ng mga basura ng nakaraang bagyo. Environmentalist si Richard at naipakita na niya ‘yan noon pa man.

    Gaya nga ng ginawa niyang pagtulong sa pagre-rescue ng katambal niya sa Patient X na si Cristine Reyes.

    Nagmistulang super- hero si Richard Gutierrez sa ginawa niyang pag-rescue  kay Cristine Reyes nu’ng ma-stranded ang aktres sa ibabaw ng bubong  ng bahay nila sa Provident Village sa Marikina last Saturday dahil sa bagsik ng Bagyong Ondoy. 

    “Nasa bahay na ako nu’ng biglang  bumuhos ang ulan. Eh, magka-text pa kami ni  Cristine nu’ng umaga, nagki-kuwentuhan pa kami.  Then, all of a sudden, bigla siyang tumawag. Around 1:30 ng hapon tumawag na siya, hysterical na siya,  she was like “Chard, baka may kilala ka sa GMA-7 na puwedeng mag-rescue.” Kailangan daw niyang  may mag-rescue kasi ‘yung baha  ay  biglaan na lang at ‘yung kotse niya ay mawawala na,” kuwento ni Chard.

    Dahil sa  sinabing ‘yun ni  Cristine agad nagdesisyon si Chard at tinext ang mga kapatid niya. Pati sina Ruffa Gutierrez at ang mommy niyang si Annabelle Rama ay agad na ring tinawagan ni Chard  para humanap ng paraan para matulungan si Cristine.

    “I think, eventually around  4 pm, nasa Star Talk na  yata na si Cristine at nasa taas na ng  bubong nila.  Even the manager of Cristine was saying na may mga papunta na sa kanyang rescuers,”  dagdag pa ni Richard.

    Grabe daw ang pinagdaanan nina Chard at kasama niya that time.

    Hindi talaga biro ang lumusong sa lampas-tao na  baha at malakas  ang current at that time!  

    Paano naman niya naisalba si Cristine mula sa bubong?

     “Kami ng kaibigan ko, dala ang speedboat, tinali namin ‘yung speedboat sa may tabi ng poste sa gilid ng  bahay nina Cristine. Tapos  umakyat ako sa pader, dumaan ako sa may bintana ng kuwarto niya papunta sa bubong,” kuwento pa niya.

    Kaya rin daw niya nalaman na si Cristine ang nasa taas ng bubong dahil nasabihan na siya na magpapa-ilaw ang aktres ng  maraming ilaw na de baterya para ma-locate ni Chard kung saan pupuntahan sila Cristine.

    Nailigtas ni Chard si Cristine kasama ng dalawang pamangkin nito.

    Habang ang ina ni Cristine ay nagpaiwan at hihintayin na lang niyang humupa ang  tubig para mabantayan ang kanilang bahay.

    Samantala, sa first week pa dapat ng October sabay na haharap sina Richard Gutierrez at Cristine Reyes at buong cast para sa grand presscon ng Patient X na showing sa October 28, pero napaaga ang sabay na pagharap sa press nina Cristine at Richard.

    May pa-thanksgiving ang  GMA Films, Viva Films at Rgutz Productions dahil ligtas ang aktres mula sa bubong ng bahay nila sa Provident Villages, Marikina City, at sa matagumpay na pagliligtas sa kanya ng aktor. Kung matutuloy, after the thanksgiving presscon, magdi-distribute sila ng relief goods.

    One of Richard’s most unforgettable experiences ang pagre-rescue niya kay Cristine. 

    By the way, si Annabelle Rama, mommy ni Richard, ay equally apektado sa mga naririnig na untoward na bulung-bulungan. Kung alam lang  daw  ng mga ito ang nerbiyos na kanyang naramdaman nang malaman niyang nag-isang tumungo sa kainaroroonan ni Cristine si Richard.

    Originally daw kasi, ang alam niyang kasama ni Richard ay ang mga kapatid na sina Ruffa at Rocky (Gutierrez). Nang malaman niya, after talking to Ruffa,   nag-decide si Richard na iwanan na lang sila ni Rocky, dahil bibigat ang speedboat with the three of them na nakasakay.

    Sa takot daw niya, kasama si Eddie (Gutierrez),  sinundan nila sa Marikina si Richard. Dahil nga sa baha, kinailangan na i-park nila ang sinasakyang kotse sa  isang lugar na walang tubig at lumakad na lamang silang mag-asawa.

    Lalo daw siyang natakot nang malaman niyang lampas-tao ang tubig sa bungad pa lamang ng Provident Village.

    Cristine, for her part, said wala siyang masabi sa ipinakitang pagmamalasakit sa kanya ni Richard. Kaya, labis-labis daw ang pasasalamat niya sa binata.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here